Kabanata 1.2
Yaman
"Good Afternoon po."
"Good Afternoon din po, Manong Peter." Si Manong Peter, janitor ng Academy. Simula ng pumasok ako dito, nagtratrabaho na siya bilang Janitor. Dahil matagal na rin siya dito at maaasahan, kinausap ko si Daddy na bigyan ng scholarship ang mga anak niya tutal dalawang babae 'yon. Kaya lang hindi niya 'yon tinanggap dahil kontento na daw siya sa sahod na nakukuha niya tsaka masyado daw kilala ang Academy para ipasok ang mga anak niya. "Sige po Manong Peter mauuna na po ako." Nagpaalam na ako kay Manong Peter. Oras na para umuwi e.
Naghihintay ako ngayon sa may gate ng Academy, dito naman lagi ako nagpapasundo at dito rin ako nagpapahatid. Ayoko ng madagdagan ang problema ko.
"Miss Phoebri sino po ang magsusundo sa inyo?" Tanong ni Manong Guard, si Kuya Rey.
"Hindi ko pa nga po alam Kuya Rey e." Hindi ko kasi natanong kay Tyrone e.
"Gusto niyo po na itawag ko sa Mansyon?"
Agad akong umiling. "Wag na po, sigurado naman po ako na may magsusundo sa'kin. Kung hindi si Tyrone baka isa mga driver namin."
"Ah sige, pero mamaya po pag wala pa po kayong sundo itatawag ko na po sa inyo." Tumango ako tsaka ngumiti. Ano ba 'yan bakit kasi bawal ang Cellphone dito. Kainis.
Number 1 rule ng Academy, No Gadgets Allowed.
'Yan ang isa sa mga usap-usapan dito, bawal magdala ng kahit anong gadgets. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero minsan kailangan mo talagang gumamit lalo na sa mga importanteng oras. Meron naman kaming Telephone Room dito para sa Emergency, pero syempre iba pa rin yung Cellphone na nadadala mo kung sakaling kailangan na talaga.
Limang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin.
"Miss Phoebri itatawag ko na po ba?" Bumaling ako kay Kuya Rey.
"Hmm... Maghihintay na lang po ako, baka paparating na rin po yun." Tumingin ako sa wrist watch ko. Maaga pa pala, hmp.
"Maupo po muna kayo." Ini-abot niya sakin ang upuan niya. Kinuha ko 'to, medyo mangalay na e.
Marami pa namang estudyante, napa-aga lang ang labas namin ngayon.
Twenty-Minutes na ang nakalipas. Labas pasok na ang mga kotse para sa pagsusundo ng mga Estudyante. Siguro parating na rin yun.
Biglang may huminto na kotse sa harapan ko, hindi naman siguro ito yung magsusundo sa'kin kasi palabas na ito ng Academy.
Bumaba ang bintana nito sa likuran at iniluwa ang cute na bata na si Ayesha.
"Ate Phoebri, Hello po." Kumaway siya sa'kin. Tumayo ako tsaka siya nilapitan.
"Hello Ayesha." Kumaway rin ako sakanya. "Uuwi ka na?" Hinaplos ko ang buhok niya mula sa labas.
"May Dinner po ang Family namin. Gusto niyo pong sumama?" Bumitiw ako sa pagkakahawak sa buhok niya.
"Ah-hindi, ano... Family dinner 'yon Ayesha, hindi pwede na sumama ako."
"Sayang naman." Nag sad face pa siya.
"Don't worry baby next time sabay tayong kakain sa Cafeteria."
"Talaga po? Yehey." Masigla niyang sabi.
"Oo naman. Sige baby baka ma-late ka na sa Dinner niyo. Babye. See you." Nag wave na ako para sa pagpapa-alam.
"Bye, Ate." Nagwave rin siya sa'kin pabalik. Lumayo na ako ng konti sa sasakyan nila. Nag wave ulit ako habang papa-alis na sila.
Bumalik ako sa inuupuan ko kanina.
"Itatawag ko na po ba?"
"Sige po. Salamat." Wala naman sigurong masama kung itatawag ni Kuya Rey sa bahay. Naupo na muna ulit ako.
Bakit wala pa kaya sila?
"Miss Phoebri..." Bumaling ang atensyon ko kay Kuya Rey. "Driver niyo na lang daw po ang magsusundo sa'yo. Hindi pa daw po kasi umuuwi ang mga kapatid niyo."
"Ah sige po, salamat po ulit."
Alas singko na bakit hindi pa sila nakaka-uwi?
Hanggang anong oras pa kaya ako maghihintay?
Hindi naman sa nagmamadali ako pero may gagawin pa akong mga project.
"Miss Phoebri, nasa labas na po yung sundo niyo." Yes. Agad akong tumayo.
"Thank you, Kuya Rey." Paalam ko kay Kuya Rey.
Pag labas ko naabutan ko si Manong Garry na naghihintay sa labas ng kotse. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto sa likod. "Thank you Manong Garry."
Naupo na ako ng maayos at itinabi ang bag ko. Agad din naman pumasok si Manong Garry sa driver seat.
"Manong Garry, dala niyo po yung cellphone ko?" Bilin ko kasi kahit kanino na tuwing susunduin ako dala nila ang Phone ko.
"Opo. Nandiyan po sa bulsa sa likod ng upuan ko." Kinuha ko 'to agad.
Agad kong dinial ang numero ni Frollo.
"Sagutin mo..." Bakit kaya wala pa sila sa bahay.
"Hello, Ate."
Hay, Salamat.
"Bakit wala pa daw kayo sa bahay?" Tanong ko agad.
"May dinaanan pa kasi kami ni Kuya Claude, pero nandito na kami sa bahay kararating lang din namin. Pero si Kuya Tyrone wala pa."
"Bakit?"
"Ewan ko. Hindi naman siya nagte-text e."
"Ah sige malapit na rin naman ako. Bye."
"Bye, Ate." He ended the call.
"Miss Tanya, may dadaanan ka po ba? o didiretso na po tayo sa Maniego Village?"
"Diretso na po sa bahay."
Maniego Village—Maniego Residence. Dito naninirahan ang Pitong Magkakapatid na Maniego, dalawang babae at limang lalake. Silang lahat ay nakapirme din dito sa Pilipinas katulad ni Papa, pero parang wala rin kaming mga magulang dahil sa kanya-kanya nilang negosyo. Kaming magpipinsan hindi rin madalas magkakasama dahil hindi kami pare-pareho ng hilig. Siguro sila, pero ako madalas mag-isa at nakapirme sa bahay.
At ang bahay namin o ang sinasabi nilang Maniego Palace ang nasa pinaka dulo ng Village dahil na rin siguro sa malaking lote nito.
Ginawa itong Village na 'to para daw sa proteksyon ng Pamilya namin. Ewan ko kung gaano na ba kami kapiligro para maging mahigpit ang lahat sa'min. Hindi basta-basta nagpapapasok kung walang kasulatan o pirmiso sa may bahay na nagpapapunta sa kanila. Kaya nga kami-kami lang ang nagkaka-kitaan.
Hindi rin naman ako basta-basta nakaka-labas ng Village kung walang pasabi kay Kuya Claude, Kuya Apollo o kay Daddy. Academy-Bahay lang ako.
"Ate, kanina ka pa hinahanap ni Kuya Apollo." Bungad sa'kin ni Frollo pagpasok ko ng bahay. Nasa sala siya naglalaro ng Cellphone niya. Meron naman siyang Xbox sa kwarto niya pero hindi ko alam kung bakit nilo-lowbat niya ang Phone niya sa paglalaro.
"Nandito siya?" Himala.
"Oo, nasa kwarto niya kumukuha ng gamit." Nasa phone pa rin ang atensyon niya.
"Bakit?" Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Out of town. Magbubukas ata ng panibagong Building sa France."
"Sinong magtitingin ng negosyo dito kung lahat sila wala." Nagkibit balikat ako tsaka sumandal.
"Uuwi si Daddy next week. Alam naman ni Claude ang gagawin kung may problema."
Agad akong tumingin sa nagsalita.
"Kuya...." I hugged him. Sobrang namis ko siya, hindi ko kasi siya naaabutan tuwing umaga tapos tulog na ako kapag umuuwi siya.
"Oh, bakit parang namiss mo ata ako? Parang hindi tayo magkasama sa isang bahay ah." Ginulo niya ang buhok ko.
Bumitiw ako sa pagkaka-yapos sa kanya. "Hindi kasi kita naaabutan e."
"Mabuti pa ako nabibisita kita tuwing gabi pag-uwi ko at sa umaga tuwing paalis na ako. Ang sarap ng tulog parang pagod na pagod." Pinisil niya ang ilong ko.
"Kuya naman e..." Pinalo ko ang kamay niya, masakit e.
"Pagod 'yan Kuya. Pagod sa pag-higa." Pang-iinis ni Frollo habang tutok pa rin sa phone niya.
"Nagsalita ang pagod na pagod!" Inirapan ko siya. "Kuya hindi totoo 'yon." Nakabusangot kong welga.
"Oo na... Hindi naman pwedeng mapagod ang Prinsesa namin. Okay lang na humiga ka maghapon." Pinalo ko siya sa braso.
"Kuya!" Naiinis talaga ako kapag bini-baby nila ako. Seventeen na ako next year.
"Oo na..." Muli niyang ginulo ang buhok ko. "Sige alis na ako. Ingat kayo dito. Frollo bantayan mo ang Ate mo." Lumapit pa siya kay Frollo para ipaalala na kailangan niya akong alagaan. I can take care of myself 'no. "Nasaan si Tyrone?"
"Oo nga bakit wala pa 'yon?" Tanong ko rin.
"Ewan ko." Nagkibit balikat lang si Frollo.
"Oh siya alis na ako. Bye, Tanya. Bye, Frollo. Ingat kayo ah." Muli kong inakap si Kuya.
"Ingat Kuya." I waved my hand towards him. Hinatid ko siya sa labas ng bahay hanggang maka-sakay siya sa kotse. Aalis na naman siya.
Maiiwan na naman kaming Apat kasama si Kuya Claude.
"Akyat na ako, Frollo. Gumawa ka na ng mga Homeworks mo, hindi puro laro ang inaatupag mo."
"Opo.." Galit niyang pinatay ang phone niya at sabay na umaykat sa'kin pa-itaas.
Nauna siyang naka-pasok sa kwarto, nasa kabilang side pa kasi ang kwarto ko. Square type kasi ang pagkakagawa ng four storey house namin. Open area ang gitna ng bahay hanggang third floor, attic kasi ang fourth floor pero style party hall (dito ipinagdiriwang ang minsang salu-salo ng buong pamilya) at may dalawang comfort room din dito. at ang bawat gilid ay ang mga kwarto, kaya makikita mo ang sala sa ground floor kung nasa hallway ka ng bawat floor ng bahay. Nasa ground floor ang dining room, kitchen, grocery room, mini clinic, dalawang comfort room, jacuzzi at tatlong kwarto sa mga katulong. Second floor naman matatagpuan ang kwarto naming lima, mini library, master bedroom, office ni daddy at ang dalawang comfort room. nasa third floor naman matatagpuan ang pitong guest room, music room at dalawang comfort room. may under ground din kami at doon makikita ang gym kung saan dito madalas tumambay ang mga kapatid ko at ang movie room na madalas tulugan ni Tyrone.
Sa likod bahay matatagpuan ang pool at sa gilid naman ng bahay matatagpuan ang isang gate na puno ng sasakyan. Tsk.
Pagpasok ko sa kwarto nagpahinga muna ako tapos shower at nag bihis pang-tulog, pajama.
At ngayon naka-harap na ako sa laptop ko para sa iilang project at assignments. Medyo marami kaya seryoso muna ako ngayon.
Ano ba 'yan ang dami. Wala naman akong mabalingan ng kahit anong gawain para may mapag-libangan naman ako ng konti. Magbasa kaya ako? Halos lahat na ata nang nasa library nabasa ko na. Hmm.
Social media na lang ang tanging sagot. Sige na nga.
Nag log in ako sa f*******:.
'Tanya Maniego Logged in on Facebok'
Pag open ko tumambad sa'kin ang sandamakmak na message.
I opened it.
'Kea: Relatives ka ba ni Tyrone?'
'Lady: Kilala mo ba si Phoebri?'
'Gina: Baka kilala mo si Phoebri pwede bang pa video greet?'
Marami pang message pero hindi ko na binuksan.
Hindi nga ako nagpakilala bilang phoebri, napapansin pa rin ako dahil sa maniego na gamit ko.
Utos kasi ng pamilya ko na kung gagawa ako ng social media hindi ako magpapakilala sa publiko. Kilala nga ako bilang Piarra o Phoebri Maniego, ngunit ang itsura ko hindi pa nila nakikita o nasisilayan. Kaya nga naging isa ito sa dahilan kung bakit nabuo ang rule ng Academy na 'wag gumamit ng cellphone o kahit anong gadget sa loob ng academy. Para hindi ako makunan ng litrato o kahit anong magbibigay impormasyon sa publiko. Isang misteryo ang katauhan ko sa labas ng village at ng Academy.
Marami nga ang nagsasabi tuwing bumibisita ako sa social media na baka panget nga daw ako o may sakit sa balat. Kasi hindi nga ako nagpapakilala, at kung totoo nga isa daw ito sa magpapasira ng pangalan ng Maniego. Sana nga naging panget na lang ako para hindi na ako napapansin ng kahit sino.
Kilalang kilala ang Pamilya Maniego sa social media dahil sa mga yaman nito. Kung mag reresearch ka naman tungkol sa'min, puro picture ng mga kapatid ko at mga magulang ko lang ang makikita mo. Kung meron namang tungkol sa'kin ito lang 'yong mga bagay na sobrang kina-iinisan ko, sobrang taas.
Nag scroll down ako sa newsfeed ko, puro hugot. Pero may isang post na naka-kuha ng atensyon ko.
Diana Yuan posted a minute ago, classmate ko siya at ito 'yong naka-pansin ng Sapatos ko.
"Diana Yuan:
OMG! Phoebri Maniego wears the latest design of Flat Shoes from Jimmy Choo." (with picture pa ng sapatos)
Ito nga 'yon.
Grr! Wala ngang cellphone sa Academy at picture ko, pero may pagkakataon pa rin silang mag update sa nangyayari sa'kin araw-araw.
A minute ago, pero inabot na ito ng thousand likes, thousand comments at may thousand shares pa.
Sa mga estudyante ng Academy na lang nagkakaroon ng update ang media tungkol sa'kin. Wala nga akong picture pero ang mga gamit ko naman ang pinag-uusapan nila.
I checked the comment box.
'Gosh! I want those shoes.'
'Lilipat na ako ng Academy para makita ko siya.'
'Perfect fit. Maniego Princess.'
'Her bag? What about her bag? Bibili rin ako.'
'Sana makita ko rin ang fashion outfit niya, kung gaano siya kaganda.'
'Maganda ba talaga siya?'
'Of course, she's a Princess.'
'No picture again?'
Nag log out na lang ako. Puro kaartehan na lang.
I checked my twitter account.
'@tanyamaniego sign in on twitter'
"@fiapretty
New shoes of Phoebri from the latest design of Jimmy Choo."
Pati ba naman twitter ako ang laman? May mapupuntahan pa ba ako?
i********:? 'Wag na lang.
Scroll down lang ako ng scroll down. Ano pa bang magagawa ko.
"Oh! Checking social media ah."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Hindi ba marunong kumatok ang isang 'to?
Tiningnan ko ng masama si Frollo. May balak ata siyang patayin ako sa gulat.
Habang naka-upo ako sa study table at naka-harap sa laptop ko, nahiga naman siya sa queen size bed ko. Grabe ang liit kong tao pero nilulunod nila ako sa higaan.
"Namutla ka." Natatawa niyang sabi habang gumugulong sa kama ko.
"Ikaw kasi nanggugulat. Saka bakit hindi kita napansin na pumasok dito? Saan ka dumaan?" Dapat kasi mapansin ko 'yon o maramdaman man lang.
"Ayst. Syempre sa pinto. Busy ka lang kaya hindi mo ako napansin." Huminto siya sa paggulong at naupo.
Siguro nga. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sobra sobra na ang mga natatamasa ko.
Muli akong humarap sa Laptop, ni log out ko na rin agad. Wala rin naman akong mapapala.
"Ate, nakita mo ba? Trending ka na naman." Hayst! Pati ba naman siya. "Yung suot mo daw na flat shoes kanina? Ano bang meron dun?" Curious pa huh. Nag indian sit pa siya sa kama ko.
"Ewan!" Inis na inis na ako.
"Si Mama uuwi na sa isang bukas. Panigurado bagong bag at sapatos na naman 'yan na magiging trending sa social media."
Napa-irap ako sa ere. I’ll call Mama later na 'wag na siyang mag-uwi ng kahit anong pasalubong.
"Lumabas ka na nga may gagawin pa ako." Taboy ko sa kanya.
"Ang arte!" Padabog siyang lumabas ng kwarto
"Sandali," Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Samahan mo pala ako kay Tyrone may ipagagawa ako." Inakbayan ko siya.
"Wala pa si Kuya Ty." Aniya
"Huh? Anong oras na ba?" Napatingin siya sa Phone niya.
"7:45.."
"Ah, saan na naman nag suksok ang baliw na 'yon!"
"Galit na galit na nga si Kuya Claude e. Mabuti na nga lang daw at Family car ang pinagamit sa kanya, kundi baka kung saan daw mapadpad 'yon." Nagkibit balikat siya tsaka ako iniwan na nakatunganga.
"Panigurado sigawan na naman 'to mamaya." I muttered.
Bumalik na ako sa loob tsaka ni-lock ang pinto. Matutulog na lang ako, tinatamad akong kumain. Tapos na rin naman ako sa assigments, bukas ko na lang ipagpapatuloy ang project.
"Saan ka ba nanggaling kagabi? Huh? Alam mo bang mapapagalitan ako ni Kuya at Daddy dahil sa ginawa mo?! Bullsh*t naman. Oh!" Ito ang bumungad sa'kin pagbaba ko ng hagdan. Ang sigaw ni Kuya Claude.
"May importante lang akong pinuntahan." Parang kawawang aso si Tyrone na naka-upo sa sofa habang pinapagalitan.
"Gaano ba 'yan ka-importante na pati ang pagtawag mo kung nasan ka e hindi mo na na-isingit?" Na-estatwa ako dahil sa galit na ipinapakita ni Kuya Claude. Sobrang namumula na siya sa galit.
"Baby, kain ka na. Nandoon na si Frollo hinihintay ka." Mabuti na lang at kina-usap ako ni Nanay Rosa kundi pati ako mapapagalitan.
Si Nanay Rosa ang pinaka-matanda sa lahat ng mga kasambahay dito sa bahay. Siya rin ang nag-alaga sa aming magkakapatid simula mga bata pa kami, tuwing wala ang mga magulang namin. Hindi ko siya itinuturing na katulong kundi isang Lola. Hindi ko na kasi naabutan ang Lola ko sa side ni Daddy, tapos ang Grandma Lucia ko sa side ni Mama bihira kung bumisita sa'kin.. kaya ganito ako kasabik magkaroon ng Lola.
"Frollo kumain ka na lang diyan, kay Manong Garry na lang tayo magpapahatid. Mukhang matatagalan pa sina Kuya Claude doon."
Kumain na rin lang ako. Natapos ang umagahan namin ni Frollo pero hindi pa rin tapos sina Tyrone, gaano ba ka-galit yun? Ang tagal ah.
"Ate, magpapahatid na lang ako sa ibang Driver." Bulong ni Frollo habang palabas kami ng Dining Room.
"Wag na, sabay na lang tayo. Minsan na nga lang tayo nagsasabay sa pagpasok e." Utas ko habang naka-akbay sa kanya. Siya ang mas mataas sa'kin kaya medyo nahihirapan ako sa pwesto namin.
"Eh, hindi nga pwede yun. Magagalit lang sa'tin si Kuya Claude." Aniya habang kumakamot sa batok.
"Hindi yun. Tsaka ngayon lang naman e."
"Bahala ka nga, basta ikaw ang magsasabi." Aniya
"Akong bahala basta ikaw ang kawawa." Sabay tawa.
"Ate..."
"Joke haha." Bumitiw na ako sa pagkaka-akbay. Nasa sala na kami. Nasaan si Kuya?
Nauna si Frollo sa'kin. Lumapit siya kay Tyrone, napagalitan na nga naka-ngisi pa rin.
"Nasaan na si Kuya?" Tanong ko paglapit ko sa kanila.
"Umalis na. Siya daw ang titingin sa Kompanya sa loob ng isang Linggo."
"Paano yung pagpasok niya?" Tanong ko habang pa-upo sa harap nila, sa sofa.
"Papasok din daw siya kung walang ginagawa sa Kompanya. Alam niyo naman ang IQ nu'n, kahit hindi pumasok maraming alam." Ani Tyrone.
"Sabagay..." Sobrang talino kasi. "Si Kuya Garry na lang ang maghahatid sa'min." Ani ko habang tayo.
"Ano?" Kunot noo niyang tanong..
"Magpapahatid kami ni Frollo kay Manong Garry! Bingi lang!?"
"Galit ka? Doble-doble naman ata." Napakamot siya sa batok. Ay, oo nga pala napagalitan din siya ni Kuya Claude, hihi. Peace.
"Kuya, ano? Late na kami." Reklamo ni Frollo.
"Ako ng maghahatid sa inyo." Agad siyang tumayo at kinuha ang bag niya.
Aamba na siyang lumabas pero pinigilan ko. "Hindi. Si Manong Garry na. Kumain ka muna ng umagahan bago pumasok, baka bumalik pa ang sakit mo." Hinila ko na si Frollo palabas ng bahay. "Mayabang nga sakitin naman." Bulong ko habang umiiling.
"Ate..." Nilingon ko siya. "Sinong mauunang ihatid? Late na ako ng 20 minutes."
Pano 'yan? Hindi ako pwedeng makita ng kahit na sino. Mapapagalitan ako.
Hindi naman siguro ako makikita sa loob ng kotse di ba? Bahala na.
"Tutal madadaanan naman natin ang University papuntang Academy... sige ikaw na ang mauna."
"Pano 'yon?" Aniya. Pati siya natatakot na makilala ako.
"Hindi naman siguro ako makikita sa loob ng kotse." Sana nga.
Nagkibit balikat siya tsaka nagtungo kay Manong Garry na nagka-kape sa may gate ng parking lot.
Nang nakita niya kami agad siyang tumayo at lumapit din sa'min.
"Ako daw po ang maghahatid sa inyo sabi ng Kuya Claude niyo." Aniya paglapit.
"Sige po, Manong Garry." Nagtungo na siya kay Manong Hector para kumuha ng susi.
"Ate, di ba may tinted tayong kotse? Pwede naman na 'yon na lang ang gamitin natin para hindi ka nila makita."
"Ewan ko lang." Nagkibit balikat ako.
Ilang minuto lang dumating na si Manong Garry gamit ang Panamera, na ginamit rin namin kahapon ni Tyrone.
Agad bumaba si Manong Garry tsaka ako pinagbuksan ng pinto sa likod. Sa front seat uupo si Frollo.
"Manong Garry, may tinted po bang kotse na natitira?" Tanong ko habang papasok na sa loob.
"Wala na po ata. Dala po kasi ng mga magulang niyo yung limang tinted, dalawa sa kay Apollo at gamit rin ni Claude yung isa. Yung Mayback na lang po ang natitira kaya lang hindi po pinapagamit." Aniya.
"Ah, sige po. Okay na po 'to." Sinarhan niya ang pinto. Hindi na lang ako titingin sa labas, hindi naman siguro ako mapapansin.
Palabas na kami ng Village ng magsalita si Frollo.
"Mang Garry ako po muna ang ihatid niyo bago si Ate. Kahit malayo sa University para hindi na makita si Ate."
"Sige po Manong Garry, si Frollo po ang unahin niyo." Ani ko.
"Sa may kanto ng University na lang ako para walang makakita. Bihira ang may dumaan doon na nag-aaral sa University, tiyak hindi mapapansin si Ate." Paliwanag niya.
"Malayo pa po 'yon sa Main Gate, baka po may mangyari sa inyo." Ani Manong Garry. Malapit na kami sa University.
"Ayos lang po ako doon. Mang Garry dito na..." Agad tumigil si Manong Garry ng pumara si Frollo. Malayo nga 'to sa Main Gate.
"Ayos ka lang ba talaga dito?" Tanong ko.
"Yup. Tsaka pwede naman akong magmadali di ba? Sige na bye Ate." Hinug niya ako tsaka siya bumaba. Nag wave ako ng kamay mula sa loob. Wala ngang dumadaan dito.
"Sige po Manong Garry alis na tayo."
Nakaka-inggit naman ang mga kapatid ko. Malaya silang pupamasok sa University na hindi kailangang magtago. Sana ako rin makapasok sa isang University.