"Hi there, handsome. Are you going with us for an escapade after this session?" Malanding ani ng isang Asian model kay Idrish habang pilit nitong idinidikit ang katawan sa lalaki. Halos matatapos na rin sila sa kanilang ginagawa at sa durasyon ng photoshoot ay panaka-nakang lumilingon ang lalaki sa puwesto ni Abigail.
"Please make yourself safe from me, lass. I bet you'll not like it if you will know what is running into my mind now." Ani ni Idrish na ngumisi pa sa babae.
The model giggled in a senual manner, tila nakuha ang ibig sabihin ng lalaki kaya naman mas lalo pa nitong ikiniskis ang dibdib sa braso nito kasanma ang ilan ding babaeng modelo. Lahat sila'y iisa lamang ang nasa isipan at iyon ay ang makasama in a wild action ang napakaguwpaong photographer.
Sarkastikong natawa si Idrish na tila hindi naman nahalata ng mga babae. Kung gaano kasi kalaswa ang nasa isip ng mga ito'y siyang kabaligtaran naman ang nasa utak ng lalaki.
If these women only knew, kanina pa nagtitimpi ang lalaki sa inis at baka hindi na nito mapigilang mailabas ang mga pangil. Kung hindi lamang nito inaalala ang maaaring mangyari kapag nakita siya ng dalaga'y baka nasakal na niya ang mga babae.
"We can party tonight and have some actions in your bed, hot guy."
Ngumisi si Idrish.
Those vain mortal women. Disgusting humans!
Noon ito muling napalingon kay Abigail. Natawa ng mahina si Idrish kasabay ng isang mabining haplos sa dibdib na naramdaman nang sa pagkakataong iyon ay nahuli siya ng dalaga. Sinenyasan siya nitong magfocus sa kaniyang ginagawa. He found her cute nang ngumuso pa ito at pinandilatan siya ng mga mata.
Napailing si Idrish. Damn, he doesn't know kung bakit panay ang lingon niya sa mortal. Pinilit na lamang nitong mangiti ulit sa mga babaeng nagpaparamdam sa kaniya. Tila si Abigail lang ang hindi apektado sa kaniyang presensiya.
From the start of his mission, walang pumalyang magbigay pahiwatig sa kaniya at halos ialay na ang hubad na mga katawan. Hindi na siya naninibago sa ganitong mga imbitasyon and yes, most of the time ay hindi siya tumatanggi. After all, he is still a male vampire with the highest libido more than a mortal man. Iyon nga lang, sa mga kalahi niya lamang iyon maaaring gawin dahil kung sa mga babaeng mortal, tiyak na ang kamatayan nito. A male vampire during his peak of release in i*********e could lead to a human's death at iyon ang mga nangyayari sa mga babaeng mortal na nakasalamuha niya noong nakaraang dekada. Lucky for him dahil si Felipe ay may kakayahang gamutin ang mga mortal na ginagalaw niya kapag nawawala siya sa sarili. Pero matagal na panahon na iyon at sinigurado niyang hindi na mauulit. In the first place ay hindi namnan niya iyon boluntaryong ginagawa pero ilang beses na ring nangyari sa tuwing nawawalan siya ng kontrol sa sarili.
"Yeah, I will be your photographer for this session. So please, if you can go now your places, ladies?" Inilabas ni Idrish ang kaniyang ngiting nagpatili sa mga kababaihang naroroon kasama na rin sa dalawang baklang fashion mentor na halos himatayin na rin sa pagnanasa sa lalaki.
"Are you available after this? What's your name, by the way?"
"You can call me IC, and no, I'm sorry ladies but I will have my date after this."
Tila nabagsakan ng langit ang mukha ng mga modelo. Idrish unconsciously turned his back to see what his mentor doing na mabilis ding sinundan ng tingin ng mga babae. Kung nakakahiwa lang siguro ang matatalim na mga titig nito'y tiyak sugat-sugat na ang buon gkatawan ni Abigail na ng mga oras na iyon ay walang kamalay-malay na nakatulog dahil sa pagod.
"So, she's the lucky date? She doesn't even look like us!"
"She's so simple and doesn't even care to put some make-up."
"Yeah, but her beauty is natural, ladies. Now go back to your places bago ko pa kayo pagsasampalin sa mga kalandian niyo!" Biglang bulyaw ng isang baklang kani-kanina lang ay halos maghugis puso na ang mga mata sa katitig kay Idrish. Good for him dahil inuna pa rin ang trabaho.
For some unknown reason, natigilan ang lalaki nang makita ang nakapikit na dalaga. Halata sa mukha nito ang pagod habang naghihintay sa kaniya. Idrish felt something unfamiliar to the human. Parang may sumipa sa kaniyang dibdib at kung hindi lamang niya narendahan ang sarili, malamang ay natawid na niya ang pagitan nila ng babae at kinuyamos ito ng halik. Hirap siyang labanan ang bango na nagmumula dito, isabay pa ang eratikong t***k ng puso nito na sobrang liwanag sa kaniyang pandinig.
What the hell is happening to me? This human should not consume my thoughts like this!
________________
Katatapos lamang ng photo session at imbes na dumeretso sila ng Quezon gaya ng nauna nilang napag-usapan, nakiusap si Abigail na dumaan muna ng bahay nito sa Bulacan.
Hindi man sabihin ng dalaga, may kutob si Idrish kung ano ang pakay ng babae sa biglaang pag-uwi nito. Kagabi ay kinausap siya ni Felipe na nang minsan nitong subukang alamin ang iniisip ni Abigail, nagawa nitong pasukin ang isipan ng dalaga.
"Ano'ng ibig mong sabihin na nababasa mo ang nasa isip niya?!"
Napalunok ang tapat na alagad ni Lord Idrish. Kitang-kita kasi sa mukha ng huli ang kakaibang galit at pagkadismaya na sa unang pagkakataon lamang nito naipakita. May kutob si Felipe na mangyayari itong panininghal sa kaniya ng susunod na pinuno ng mga Evrox pero ang hindi niya napaghandaan ay ang sakalin siya ng pinuno.
"How can you read her mind when I can't?!"
"Idrish, huminahon ka." Matigas na suway ng ama sa lalaki. Pero nanatiling sakal-sakal ni Idrish si Felipe hanggang makita nito ang halos hindi na mkahingang estado ng tapat na alagad at kaibigan.
"L-Lord Idrish," hirap na hinahabol ni Felipe ang hininga nang tuluyan na siyang bitiwan ng lalaki.
"K-Kahit ako ma'y hindi mawari k-kung ano po'ng nangyari basta't sinubukan ko lang isang beses na basahin ang nasa kaniyang isip. Nagulat din po ako n-nang mabigyang daan ang aking orasyon at n-nagawa kong kumonekta sa kaniya." Nauutal na paliwanag ni Felipe. Pilit nitong inaasyos na makabalik sa normal ang paghinga. Ilang beses din itong napaubo.
Kuyom ang dalawang kamay na napaisip si Idrish. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng matinding inis. How come a powerful vampire like him can't pierce through the lady's mind? It was a great frustration for him to know that he can hear every human's thoughts at ang kay Entice ay hindi?
"Ano'ng nabasa mo sa kaniyang isipan, Felipe?" Mapanganib pa rin ang boses ni Idrish. Humakbang na papalapit dito si Master Audric. Tila binabantayan ang maaaring gawin ng anak kapag nagkaaling sumagot ang tinanong.
Pero sa likod ng isipan ni Master Audric, mukhang may ibang dahilan ang panggagalaiti ng binata.
Hindi pa rin pala nito inaamin ang nararamdaman though it clearly shows how frustrated he is right now. Why can't he be able to read her mind?
"Huminahon ka, Idrish. Hayaan mong magsalita si Felipe." Saka sumulyap si Master Audric sa lalaki.
"Sige na, Felipe, magsalita ka at sabihin mo kung ano ang nalaman mo."
Huminga ito ng malalim at sa bahagyang pagkakayuko ng ulo'y sinabi nito ng maliwanag ang bagay na kanilang hinahanap.
"Meron pong kakayahang makatanggap ng komunikasyon sa pamamagitan ng pandama at pag-iisip ang mortal na babae, Lord Idrish. At sa mismong pagkakataon na sinubukan ko pong basahin ang kaniyang pag-iisip, nataong merong puwersa ang gustong magbigay sa kaniya ng babala."
"Ano'ng babala ang sinasabi mo, Felipe? May kaugnayan ba ito sa nawawala niyang ama na si Dr. Salcedo?" Tanong ni Master Audric habang tahimik lamang na nakikinig si Idrish. Kuyom pa rin ang dalawang kamay ng lalaki pero hindi na ito nakatingin kay Felipe. Makikita sa mukha ni Idrish ang malalim na iniisip ng mga sandaling iyon. Halatang hindi nito inaasahan ang nalamang may kakayahang telepatiya ang babaeng mortal.
"Isang puwersa po, Master Audric, na kailanma'y hindi ko pa po nararanasang maengkuwentro. Isa pong lengguwahe na hindi ko po mabatid ang kahulugan at ang tanging naunawaan ko lamang po ay ang salitang Theriac."
"Nakita mo ba ang mukha ng pinagmulan ng mensahe?"
"Hindi po, Master Audric. Pero bigla na lamang dumaan sa aking isipan nang mga oras na iyon ang isang lugar na may itim na mga buhangin."
"The land between the life and death. Ang lugar kung saan maaaring napunta si Eleanor."
Pero parang wala doon ang atensyon ng binatang bampira. Lahat sila ay nagulat nang nanggagalaiti itong nagsalita.
"Anybody here. Hear this. I forbid you to read her mind. Not until I tell you to do so." Saka ito mabilis na nawala sa kanilang paningin.
"Mukhang nagseselos na po si Lord Idrish, Master Audric."
"Mukha nga."