"Why do you keep calling me that endearment? Baka mamaya, lusubin na lang ako ng girlfriend mo."
Pa-fall din ang lalaking kausap. Isa pa, comt to think of it, malay nga ba niya kung may GF ito at bigla na lang siyang lusubin.
"Pag-usapan na lang muna natin ang tungkol sa mga bata.Tutulungan kita sa magkakapatid. Kailangan nating kausapin si Caloy at ang mga kapatid nito para hindi na sila magawang saktan pa ng kanilang ama."
"Hindi ko alam na malapit din pala ang puso mo sa mga bata."
Idrish just shrugged his shoulder and stared at her before forming a small smile on his lips. Kahit naman siya'y ngayon lang din niya nalamang meron pala siyang "soft spot" para sa mga bata. Not until he had spent four hours kasama ang mortal na dalaga.
“Iniiisip kong baka puwede natin silang patirahin sa Bulacan. May mga tauhan ako doon na puwedeng magbantay sa kanila habang hindi nagtitino ang kanilang ama. Besides, wala nakatira sa rest house ko doon maliban kina Tatay Rodring at ang kaniyang asawa.”
Napatitig ang dalaga kay Idrish. He said it with a serious face and with sincerity. Hindi niya akalaing he could extend his help like what he just said a while ago.
“Bakit mo ito ginagawa?”
“Why, baby? Kailangan pa ba’ng merong dahilan para ika’y gumawa ng kabutihan? Let’s just say nakikita kong kailangan naman talaga nila ng tulong na magkakapatid. Wala na silang mga magulang and the way I see it, mukhang napalapit na rin ang magkakapatid sa’yo.”
Hinaplos ng init ang kaniyang puso. Sa nakikita niya ngayon sa kaniyang harapan, mukhang napalapit na rin ang mga bata sa lalaki.
Kagagaling lamang nila sa DSWD kung saan ay humingi sila ng pansamatalang tulong kung papaano magagabayan ang mga bata. Batid nilang tila hindi na nga ito magawang itaguyod ng ama base na rin sa kuwento ng dalawang nakatatandang kapatid. Minsan lamang ito kung magpakita sa mag-iina at lagi pang lasing. Tanging ang pumanaw na ina lamang ng mga bata kasama si Caloy, ang naghahanap-buhay para ang mga ito'y makakain.
Nakita ni Abigail kung gaano kaseryoso ang usapan ng binata at ng opisyal ng nasabing ahensiya. Mukhang sanay sa pakikipaghalubilo ang dugong-bughaw na kasama niya. The way he discussed over the matter, nakita ng dalaga kung gaano ka-authoritative ang lalaki.
Napag-alaman ng dalaga na pinamo-monitor ni Idrish ang kalagayan ng mga bata at iyo'y pansamantala lamang dahil hindi rin naman kasi maaaring magtagal ang mga ito sa pagtira sa ilalim ng tulay.
"Sa tingin mo ba'y babalikan pa sila ng kanilang tatay?" Halata sa boses at mukha ng dalaga ang hindi mapakali habang binabagtas nila ang daan papalabas ng maliit na eskinita sa ilalim ng tulay.
Kahahatid lamang nila sa magkakapatid at doo'y nakita nga nila ang kaluno-lunos na kalagayan ng mga ito. Konswelo na nga lang na ang ilang "squatter" din na naroroon ay mukhang nagmamalasakit ng toto sa mga bata.
"He will come back and this time, he can not even lay a finger to his children." May pinalidad sa boses ni Idrish na tila ba siguradong-sigurado ito sa sinabi. Bago pa man makapagbigkas ng salita si Abigail, isang lalaking may kaputian ang biglang lumitaw sa kanilang harapan ng hindi man lamang niya naramdaman.
"Geez, nakakagulat ka naman." Napahawak sa tapat ng kaniyang dibdib ang babae. Maliwanag at maluwang ang kalsadang kanilang dinaraanan pero talagang hindi niya napansing paparating ito sa kanilang harapan!
"My Lord." Seryoso ang mukha nitong tumungo sa harapan ng lalaki bago lumipat sa kaniya ang tingin para siya naman ang pagbigyan ng galang.
"Lady," tumungo din ito sa kaniya. "Patawad po kung kayo'y napatda sa bigla kong pagdating."
"Miguel, sa susunod ay magdadala ka ng sasakyan. Huwag kang basta-bastang susulpot." Pagkatapos ay narinig ng dalaga ang pagsasalita ni Idrish sa ibang lengguwahe na tila ba pinagsasabihan ang bagong dating.
"Huwag mo na'ng masyadong alalahanin sina Floyd at Ansel. Hindi sila pababayaan ng Kuya Caloy nila. Besides, Miguel is here to watch over them habang hindi pa bumabalik ng matino ang tatay ng mga bata."
Tila hindi makapaniwalang nilingon ng babae sang Miguel bago lumingon sa kanilang pinanggalingan.
"Saan siya doon magbabantay?" Mangha niyang tanong.
"Just don't be bothered anymore. I have my instructions already."
Nang marating nila ang kinapa-parkingan ng kotse ng binata, saglit na huminto si Abigail at nilingon ang kasama. Tiningala niya ang binata bago masuyong nginitian.
"Kung ginagawa mo ito dahil sa gusto mong makabawi sa pang-aasar sa akin...thank you. Paano ba ako makakapagpasalamat sa iyo?"
Kunwa'y seryosong napalabi ang lalaki. Patagilid itong sumandal sa pinto ng shotgun seat bago magaan na nangiti. Pansin ni Abigail ang guwapong anggulo ng binata na agad naman niyang pinalis sa isipan bago pa siya mapansin ng kausap.
"Just be my mentor and call me by my first name and we're good. Let's start anew."
"Basta ba, huwag ka na ring mang-aasar." She smiled back to him na saglit na ikinatahimik ng lalaki. Then he smiled genuinely habang nakatayo na ng tuwid.
"Hi, I'm Idrish Constantine. Can I know your name, Miss?"
"Abigail Entice Salcedo. But I think, you can call me Entice?"
At sa pagkabigla ng lalaki, mabilis na inabot ng dalaga ang kaniyang kamay. Yes, she extended her hand for a handshake at huli na para sa lalaki na bawiin pa ang kamay. Mabilis na nag-iba ang mukha ng dalaga. Kitang-kita sa mukha nito ang pagtataka.
"Your hand, they're too cold." Tumingala ito sa kaniya na tila hindi makapaniwala. Siya namang mabilis na pagbawi ng kamay ng lalaki.
"I, uhm," baritono itong napatikhim at nag-iwas ng tingin. "Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. N-Nahihilo ako sa amoy ng paligid kanina pa."
Namilog ang mga mata ng dalaga kasabay ng pagbadya ng guilt sa mukha nito.
"Oh my, I'm sorry. Do you want to p**e? Gosh, t-teka sandali lang, I have a mint gum in here-," hindi na nito natapos ang sasabihin ng umakto ngang nasusuka ang binata. Lihim na napamura ang binata. Hindi nya naisip kailanman na darating ang araw, magiging aktor siya sa harap ng isang mortal.
Mas lalong nataranta ang dalaga. Halos hindi ito magkamayaw sa pagbukas ng suot na bag para kumuha ng gamot. Sobrang naguilty ito dahil isang dugong bughaw nga ba naman ang sumama sa kaniya sa ilalim ng tulay, what can she expect e hindi ito siyempre sanay.
"No, it's okay, let's just get going. I'll give you a ride pauwi sa iyong building."
"Naku, huwag na Idrish, magta-taxi na alang ako."
Pero hindi siya nito pinansin. Sa huli'y nagawa pa rin ni Idrish ang maihatid ang dalaga sa kabila ng ilang beses nitong pagtutol. Kailangan niyang makapasok muli sa unit nito dahil ayon kay Felipe, merong kakaibang usok ang nakita nitong lumabas sa bintana ng kuwarto ng dalaga. habang kasama ng binata ang dalaga, Felipe is watching over the lady's place. Papalit-palit ito ng lokasyon. Kung hindi sa condo ng babae, sa bahay naman nito sa Bulacan. Malakas ang kutob ni Idrish, hindi nawawala ang doktor. Nasa paligid lamang ito at nagmamanman. Kung bakit ay iyon ang gustong malaman ng susunod na pinuno ng mga Evrox.
Hinintay lamang ng binata na alukin siya ng maiinom ng babae. When she handled her a cup of coffee, saglit itong nagpaalam para pumasok sa sariling kuwarto para magbihis. Naiwan sa kaniyang tabi ang chowchow nitong alaga. Parang taong nakipagtitigan sa kaniya ang aso nito hanggang sa mayroong napansin si Idrish.
Just with the dog's collar, mayroong isang maliit na papel na tila isinikik doon. Sa collar ng aso kung saan may dogtag na nakapangalan na Willow, isang irish word ang nakasulat.
Coinnigh an theriac (Keep the theriac)
"Maraming salamat sa paghatid, Idrish. Magkita na lang tayo sa EON bukas."
Pasimpleng ibinaba ni Idrish ang tasang hawak. Ibinalik niya na rin sa dog tag ng alaga nitong aso ang papel na nakita, bago ngumiti sa babae. Nakita pa ni Idrish kung papaanong napalunok ang babae.
"Yeah, magkita na lang tayo bukas. Lock the door safely."
"I will, thanks."
Isa pang sulyap bago tumalikod ang lalaki at tuluyang lumabas ng unit ng dalaga. Pagkuwa'y umangat ang gilid ng labi nito.
You will need to direct me where I could possibly see your father, Entice. Sisiguraduhin ko iyon.