SAMAEL's POV ♕♕♕ Paikot-ikot akong naglalakad sa loob ng aking opisina at hindi mapakali sa mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko maiwasan mag-alala hanggat hindi pa sila nakakarating sa Harridan, bawat minuto na hindi ko kasama ang mag-ina ko ay parang binabaliw ako sa pag-aalala. *BLAG* "Your highness! Masamang balita!" Biglang pasok ng isang kawal ko at agad na inabot sa'kin ang isang piraso ng papel na dala ng mensaherong ibon. "Kanino galing ito?" Tanong ko sa kaniya habang pilit kong kinakalma ang aking sarili. "Sa escort po ng Harridan," pagsagot niya at agad kong binasa ang sulat na aking hawak-hawak. "Isang oras na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang Duchess at si Sevius sa piyer?" Tanong ko at agad naman siyang tumango, napahawak

