LUCIA's POV ♕♕♕ Abandonadong lugar na puno ng mga lumang kagamitan, mga agiw na nakasabit sa bawat sulok ng silid at ang lumalangitngit na mga salamain sa bintana tuwing natatamaan ng hangin. Pinalilibutan ako ng mga bagay na ngayon ko lang nakita, wala naman kakaiba sa lumang tore nito kung hindi ang mahaba at paikot niyong hagdan papunta sa taas. “Akyat tayo?” Tanong ng crown prince at agad akong umiling habang nagtitingin ng mga gamit na binabalot na ng alikabok sa tagal ng panahon. “Wag mo na pong tangkain your majesty, baka gumuho pa ang hagdan na ‘yan,” sagot ko at sa paglalakad ko ay biglang akong may naapakaan na isang parte ng sahig na tila ba walang laman, o sabihin na’ting hindi dikit sa semento o lupang kaniyang kinalalagyan. “May problema ba?” Tanong ng crown prince at

