LUCIA's POV ♕♕♕ Parang ang tanging naririnig ko lamang sa loob ng silid na 'to ay ang pagtibok ng puso ko na nagwawala sa kinalalagyan ko ngayon. Alam kong hindi ito ang unang gabi namin na magkasama ngunit ito naman ang unang gabi na matutulog kami nang magkatabi. Walang alak, walang madilim na silid, walang kahit ano! Kabado ako na baka hindi ko maharap ang Duke dahil sa pagkabog nang malakas ng aking dibdib. Baka mamaya ay madismaya ko siya dahil sa hindi ko ata kaya gawin ang bagay na 'to nang walang iniinum na alak. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya at napalingon ako sa kaniya habang siya ay naglalakad palapit sa'kin at kinukuskos ang buhok niya ng isang puting tuwalya. Suot niya ang bathrobe na kulay itim at bagsak na bagsak naman ang kaniyang buhok dahil sa tubig, saglit akong n

