TYRION LANNISTER Pagkapasok namin sa loob ng bayan na sinasabi nila ay hindi ko na mapigilan ilibot ang mata ko sa aking paligid. Lahat ng nakikita ko sa paligid ay kulay asul. Maging ang kasuotan ng mga tao ay kulay asul din. Kumpara sa unang bayan na napuntahan ko, mga nakangiti ang mga tao rito. Kaya hindi namin agad malalaman kung may problema ba silang kinakaharap ngayon o wala talaga. "Taga saan bayan kayo nanggaling?" Bago pa kami nakapasok sa mismong pinto ng bayan ay may mga guwardiya munang humarang sa amin bago kami tuluyang nakapasok sa loob. "Kami ay nagmula sa bayan ng Felon. Naparito kami upang bumisita sa inyong bayan." "Kung gano'n ay maaari na kayong pumasok." Yumuko 'yong apat kong mga kasama sa harapan ng guwardiya. Lumingon sa akin 'yong isang nagbabantay.

