TYRION LANNISTER "Hindi namin napansin na lumalakas na ang kapangyarihan mo, Tyrion pero masaya para sa 'yo." Ngumiti na lang ako sa kanila habang patuloy pa rin ang naging biyahe namin sa ere. Hindi ko naman masabi sa kanila ang totoo dahil hindi naman nila nakikita si Rhea. Nanliit ang mata ko nang mapatingin ako sa direksiyon ni Rhea na kanina pa nagpipigil ng kaniyang tawa. "Tyrion, akala talaga nila ay sa 'yo galing ang kapangyarihan ko. Sinabi ko na sa 'yo e. Hindi talaga nila ko nakikita." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Oo na. Naniniwala na ko sa 'yo." "Hindi ka ba magpapasalamat sa akin?" Pinanliitan ko si Rhea ng mata at pagkatapos ay tumingin ako sa ibang direksiyon. "Tyrion! Galit ka na naman ba? Tinulungan na nga kita e. Tss." Hindi ako

