TYRION LANNISTER Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka dahil parang unti-onting humina ang init ng apoy ni Vlamir. Hindi rin ako nakatiis sa kuryosidad ko kaya minulat ko na ulit ang aking mata. Lumaki ang aking mata sa gulat nang makita kong unti-onting hinihigop ng kuwintas na orasan si Vlamir hanggang sa masamang tingin na lang niya ang nakita ko at tuluyan na siyang naglaho. Natakot at kinabahan ako sa nakita kaya bigla kong naihagis sa lupa ang kuwintas na orasan. Lumayo ako rito ng ilang minuto dahil baka bigla na lang din akong higupin nito, pero wala na rin namang nangyari pagkatapos nitong higupin si Vlamir kaya nilapitan ko na ulit ang kuwintas na orasan at pinulot ito. Tinitigan ko ito at inobserbahan ng maigi. Pansamantala na natuon dito ang atensiyon ko. "Hind

