Chapter 68

1025 Words

TYRION LANNISTER Pagmulat ko ng aking mata ay nakapalagid na sa akin ang mga kasama ko habang nasa likod naman nila sina Rosa at Clark na nakatali ang kamay at paa. Si Rosanna naman ay nasa tabi ko. May mga pekas pa rin ang buong katawan niya dahil sa halaman na tumubo sa kaniyang katawan, pero maayos na ang kalagayan niya. Ang iba naman ay may mga sugat sa katawan, pero ayos lang din ang kalagayan nila. Kung gano'n ay natalo pala nila si Clark. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman. Samantala, nagsalubong ang dalawang kilay ko nang mapansin ang expression ng mukha ng mga kasama ko. Nakatitig lang sila sa akin ng ilang minuto at nang mabaling sa direksiyon ni Rosanna ang paningin ko ay bigla na lang niya akong sinunggaban ng yakap. "Mahal na prinsipe, buti naman at gising ka na!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD