TYRION LANNISTER Natigilan ako dahil sa sinabi ni Rhea. Ngayon ko na lang ulit naalala ang tungkol doon. Totoo ang sinabi niya, pero hanggang ngayon naman ay wala pa ring nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit ako ang kailangan para mahanap ang nawawala nilang prinsipe. Hindi ko naman alam kung nasaan ang prinsipe nila dahil isa lang naman akong dayo sa kanilang mundo. "Ano na ang gagawin na 'tin? Kung mananatili tayo rito ay sigurado na makikita tayo agad ng mga kalaban na 'tin." Sandaling nag-isip ang mga kasama ko dahil sa aking sinabi. Marahil ay nag-iisip din sila ng paraan para makaalis kami ngayon dito sa kinalalagyan namin at makahanap kami ng paraan kung paano namin mahahanap ang prinsipe. "Tyrion, ano kaya kung baguhin mo ang 'yong anyo sa paningin ng iba? Alam ko ay m

