TYRION LANNISTER Pinagpawisan si Aurora pagkatapos ng ginawa ko kaya binitiwan ko na rin siya pagkatapos ko siyang ilagay sa ilalim ng puno kung saan malayo akong nakikipaglaban sa iba ko pang mga kasama. Napailing ako ng aking ulo nang maalala ko ang pagbagsak ni Aurora sa lupa pagkatapos ng ginawa ko kanina. Sana ay ayos lang siya at sana ay ayos na siya. Muli akong bumaling sa apat ko pang mga kasama na nakikipaglaban pa rin sa akin ngayon. Mabuti na rin pala at inuna ko kanina si Aurora dahil baka mas lalo pa kong mahirapan kung ihuli ko siya. Hindi kasi maipagkakaila na talagang mas malakas ang kapangyarihan ni Aurora kumpara sa kaniyang mga kasama. Pinagmasdan ko ang ginagawa ni Rem habang simple niyang ginagamot ang ang natamong sugat ng tatlo niyang mga kasama ngayon. Ala

