TYRION LANNISTER Ilang mga hayop pa ang humarang sa aming daan. Madami na rin kaming pera na nakuha, pero pinagpatuloy pa rin namin ang paglalakbay patungo sa magical forest. Tumingin ako sa mga kasama ko at isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko nang makita ko ang kalagayan nila. Parang hindi na rin yata nila kayang magtagal sa magical forest dahil pagod na pagod na rin sila sa pakikipaglaban kanina. Kahit ako hindi sigurado kung makakagamit pa ba ako ng kapangyarihan mula sa kuwintas na orasan. Sinubukan ko kasing tingnan kanina ang kuwintas na nasa aking bulsa at nakita ko na mahina na ang liwanag nito. Kaya lang ay kailangan ko talaga makapunta sa magical forest para masiguro ko kung nandoon ang lagusan na hinahanap ko. "Nandito na tayo." Nagbalik sa realidad ang

