TYRION LANNISTER Naghintay kaming dalawa ni Rosanna sa sunod na sasabihin ni Aurora. Magsasalita na sana si Aurora, pero bigla na lang may sumabog na malakas malapit sa kinalalagyan namin ngayon. Nagkatinginan kaming tatlo nina Aurora at Rosanna dahil sa narinig na pagsabog. Hindi na kami nagdalawang isip na tumakbo patungo sa lugar na may pagsabog na naganap. "Anong nangyari rito?" Naikuyom na lang naming tatlo ang aming mga kamay dahil sa aming nakita. May tatlong higante ang nakahiga ngayon sa lupa. Kung kanina ay nag-iisa lang, ngayon naman ay tatlo na. Kinagat ko na lang ang aking ibabang labi dahil sa inis na aking nararamdaman. Para kasing nasasayang ang oras namin sa kakahanap kay Jade. Hinahanap namin siya kanina pa, pero hindi naman namin alam na nasa malapit lang pala

