TYRION LANNISTER Lumapit sa akin si Rhea at bumulong sa aking tainga. "Mas maganda kung hindi mo labanan ang nasa harapan na 'tin ngayon. Mababa ang kapangyarihan na nararamdaman ko sa 'yo at hindi mo sila kakayanin lahat." Hindi ako lumingon kay Rhea, pero sumagot ako sa sinabi niya. "May magagawa ba tayo para makaalis sa lugar na 'to? Kung wala, parang gusto mo na kong mamatay kung ayaw mo kong makipag-laban. Tss." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng babae. Malakas kong narinig ang pagbuntong hininga niya dahil nakatayo siya sa tabi mismo ng tainga ko. "Wala e. Hindi ko rin alam kung anong gagawin na 'tin. Magtago na lang kaya tayo?" Bumuntong hininga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Rhea. Akala ko naman ay may maganda na siyang naisip, wala rin pala. Tss.

