TYRION LANNISTER Kakasimula pa lang namin na maghanap ulit, pero malapit na magdilim ang paligid. Mas maganda siguro kung magpahinga na muna kami at kinabukasan na lang ulit magsimula. Kaya lang ay wala rin akong gana na magpahinga o matulog dahil nangangamba ako na baka biglang umatake ang kalaban sa oras na makatulog ako. Huminto ako sa ilalim ng puno dahil nakakaramdam na ko ng pagod at pangangalay ng paa. "Bukas na lang kaya ulit tayo maghanap. Gano'n din naman. Mas mahihirapan tayo maghanap ngayon dahil madilim na ang paligid." Lumipad si Rhea patungo sa ulo ko, si Harold naman ay umupo sa kanan ko habang si Chers naman ay tumabi sa kaliwa ko. "May alam akong madaling paraan para mahanap si Rafael subalit kailangan kong gumamit ng kapangyarihan para magawa ang bagay na 'yon."

