TYRION LANNISTER Umayos ako ng pagkakatayo at humarap sa tatlo kong mga kasama. Sa tingin ko kasi ay may tinatago na naman sa akin itong tatlo na hindi na naman nila balak sabihin. "Kilala n'yo ba ang pinuno na tinutukoy ko?" Sa halip din na sagutin nila ang tanong ko ay nagtinginan lang sila sa isa't isa. Ilang minuto silang gano'n bago nila naisipan na bumaling na sa aking direksiyon. "Pasensiya na, kamahalan. H-Hindi namin alam ang pinuno na tinutukoy mo." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka tungkol sa sinabi ni Harold. "Hindi ninyo alam? Hindi ba ay taga-rito kayo sa mundong ito? Kaya dapat ay alam ninyo kung sino-sino ang namumuno rito." Tinitigan ko sila isa-isa ng seryoso. Sa totoo lang ay hindi naman talaga nakakabigla kung hindi kilala ang pinuno na

