Chapter 7

1041 Words
TYRION LANNISTER Bumalik kaming lima sa lugar na pinagdalhan nila sa akin kanina pagkatapos nilang matalo ang tinatawag nilang Korin. Buti na lang at hindi na kami naglakad dahil nakasakay na lang kaming lahat sa walis nila. Med'yo maayos na ang kalagayan ng paa ko dahil sa ginawang panggagamot ni Rem sa akin kanina. Akala ko talaga ay mamamatay na ko. Buti na lang at dumating sila. "Kung ako sa 'yo ay huwag ka nang umalis ulit dahil baka kung ano na ang mangyari sa 'yo. Hindi kami masasama katulad ng nasa isipan mo." Hindi ako sumagot sa katabi kong si Rex. Med'yo sinusubukan ko nang maniwala sa sinasabi nila kahit na hindi pa rin buo ang pagtitiwala ko sa kanila. "P'wede ba namin malaman ang itong ngalan? May nais kasi kaming sabihin at ipaliwanag sa 'yo." Sumabay sa paglipad sa amin si Rem. Hindi ako tumingin sa kanila, pero sinagot ko pa rin ang tanong niya. "Ang pangalan ko ay Tyrion Lannister." Namuo ang katahimikan sa pagitan naming lahat pagkatapos kong magsalita ngunit pagkalipas din ng ilang minuto ay sumagot 'yong isang babae sa akin. "Kung gano'n ay ikaw na nga ang hinahanap namin." Sabay-sabay na bumaba sa lupa ang sinasakyan naming walis. "Kami naman ang magpapakilala sa 'yo. Ako si Aurora." Lumingon sa akin 'yong babae pagkatapak namin sa lupa. Hanggang ngayon ay wala pa ring expression ang kaniyang mukha. "Ako naman si David. Kinagagalak kitang makilala, Tyrion." Nalaman ko na rin sa wakas ang pangalan ng lalakeng may malaking muscle. Halos siya ang tumapos sa kalaban nila kanina. Hindi ko siya mas'yadong nakita na gumamit ng wand o umusal ng spell. Kamay lang ang lagi niyang gamit. Hindi kaya physical na lakas lang talaga ang gamit niya? "Ako si Rem. Una sa lahat, gusto namin ipaalam sa 'yo na kami ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon sa mundo ng Majarka." Magrereact pa lang sana ako, pero natigilan ako nang binatukan ni Rex sa ulo si Rem. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. Para kasing hindi babae ang binatukan niya kung makabatok siya. "Bakit 'yan agad ang pinaalam mo? Baka tumakas na naman 'yan dahil sa nalaman niya." Tinuro pa ko ni Rex pagkatapos niyang magsalita. "Mas maiging malaman niya ng maaga para hindi na rin niya malaman sa iba. Tss." Umirap si Rem kay Rex at sinamaan ito ng tingin. Samantala, mas lalong naguluhan ang isipan ko dahil sa unang impormasyon na sinabi nila sa akin. "Sandali. Kayo ang nagpapunta sa akin sa mundong ito? Pero bakit sabi ng reyna ay siya ang dahilan? Isa pa, sa palasyo ako napunta at hindi sa harapan ninyo mismo." May isang bagay pa kong pinagtataka. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalaman ang totoong kakayahan ng orasan, pero wala na kong balak ipaalam ang bagay na 'yon sa kanila. Hinding-hindi ko babanggitin sa kanila ang tungkol sa orasan dahil 'yon lang bagay na alam kong makakatulong sa akin para makaalis ako sa mundong ito. Malay ko ba kung bigla nilang kuhanin sa akin ang orasan sa oras na banggitin ko sa kanila ang tungkol dito. "Tungkol sa bagay na 'yon, Tyrion. Nakakahiya man sabihin pero simula nang mawala sa panig namin ang mahal na prinsipe ay wala na sa amin ang may kakayahan na tapatan ang kapangyarihan na mayroon ang reyna. Kaya nang ginamit namin ang aming kapangyarihan upang tawagin ka ay nagawang mangialam ng reyna sa balak namin at bahagya niyang nagulo ang aming plano." "Pasensiya ka na, Tyrion. Totoo ang sinabi ni Aurora. Halos maubos na nga ang kapangyarihan ko para lang matuloy ang plano naming papuntahin ka sa mundong ito. Hindi ka man napunta sa amin ng una ay nagpapasalamat pa rin kami dahil nagawa mong makatakas sa kanila." Kaya siguro hindi ko mas'yadong nakita na gumamit na kapangyarihan si David dahil hanggang ngayon siguro ay hindi pa tuluyang nabalik ang kapangyarihan niya. "Paano mo nga pala nagawang makatakas? Sa pagkakaalam ko ay napakadami pa ring bantay sa loob ng palasyo lalo na at binabantayan ka nila." Hindi ako nakasagot sa tanong ni Rem. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako nakalabas sa palasyo, pero sa tingin ko ay may kinalaman ulit dito ang orasan. Katulad nang nasa mundo pa ko ng pinagmulan ko. Kapag bumibilis ang kamay ng orasan ay bigla rin akong napupunta sa ibang lugar. "Ah, hindi ko rin alam kung paano ako nakalabas sa palasyo. Pagdilat ng mata ko ay nasa labas na ko." Nagkatinginan na naman silang apat dahil sa sinabi ko. Bumuntong hininga na lang ako ng malalim. "Hindi kaya may kapangyarihan ka talaga, Tyrion?" Natawa ako sa sinabi ni Rex. Sobrang labo naman mangyari ang sinabi niya. Tiyak na ang orasan lang ang may kapangyarihan at hindi ako. "Malabo mangyari 'yan dahil hindi naman ako taga-rito. Bakit n'yo ba kasi tinawag ang katulad ko rito sa mundo ninyo? Wala naman akong kakayahan para matalo ang reyna o mahanap ang nawawala ninyong prinsipe." Kanina pa kami nag-uusap, pero hindi pa rin nila sinasabi ang tungkol doon. Sandali silang tumahimik at pagkalipas ng ilang minuto ay saka lamang nila sinagot ang katanungan ko. "Hindi rin namin alam. May isang tao na nagsabi sa amin na kailangan namin tumawag ng isang tao mula sa ibang mundo bago namin makikita ang aming mahal na prinsipe." Mas lalo akong naguluhan sa naging sagot sa akin ni Aurora. Sa bawat katanungan na sinasagot nila ay may pinabagong katanungan na naman na namumuo sa isipan ko. "Bakit nga pala hinahanap n'yo rin ang nawawalang prinsipe? Sino ba kayo sa mundo ng Majarka?" This time, tinitigan nila ko dahil sa aking katanungan. Bumuntong hininga silang lahat bago nila naisipan sagutin ang aking katanungan. "Dati kaming tapat na mandirigma sa palasyo subalit umalis kami nang mawala ang mahal na prinsipe at manaig ang pamamahala ng reyna." Natigilan ako sa aking narinig. Nagbalik sa aking isipan ang iisang kulay ng kanilang buhok at iisang istilo ng kanilang mga damit. Marahil ay nagmula nga sila sa palasyo. Kung ano man ang nangyari sa mundong ito ay ayaw ko nang alamin dahil baka mas lalo lang akong mapahamak. May nais pa sana akong tanungin sa kanila, pero tumunog na naman ang tiyan ko. Hindi pa nga pala ako nakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD