TYRION LANNISTER "Gano'n pala ang nangyari." Tumango na lang ako bilang tugon sa sinabi ni Rem. Gising na sila at med'yo maayos na ang kalagayan nilang dalawa ni Aurora, pero naninibago ako sa kinikilos nila dahil pareho silang tahimik. Si Rem lang ang madalas na sumasagot sa akin habang si Aurora naman ay talagang tahimik lang. Nakakaramdam tuloy ako ng pagkailang ngayon dahil sa kinikilos nila. Tss. Marahil ay naninibago lang ako dahil ngayon ko lang ulit sila nakasama. Tumingin na lang ako sa direksiyon ng tatlo ko pang kasamahan na hindi nila nakikita dahil hindi ko na talaga ang susunod kong sasabihin sa dalawa. Naikuwento ko na naman sa kanila ang lahat e. "Tyrion, sa tingin ko ay nagugutom sila kaya kanina pa sila tahimik." Tinitigan ko ng masama si Rhea dahil sa kaniyan

