TYRION LANNISTER Ang paligid namin ay halos hindi na makita dahil sa fog. Malamig din at halos manginig na ko dahil sa lamig, pero ang mas nakakuha ng aking atensiyon ay ang malakas na hangin na halos tumangay na sa mga tao na naglalakad. Nakakapagtaka na konti lang din ang taong nakikita namin sa paligid. Lahat sila ay tila may isang malalim na dinadala at iisang direksiyon lang ang nais puntahan. Sa lugar kung saan kami nanggaling. Sa entrance mismo. "Sigurado ba kayo na rito talaga ang bayan ng Seira? Hindi ba tayo naliligaw dahil sa hangin kanina?" Ang unang bumasag ng katahimikan na namumuo sa pagitan naming lima ay si Rex. Nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa mga tao habang siya ay nagsasalita. Walang sumagot sa kaniya. Sa halip ay agad na naglakad sina David at Rem sa direk

