TYRION LANNISTER Pakiramdam ko ay nagmukha na kong bakla sa paningin ng mga kasamahan ko dahil lagi na kong nakakaramdam ng takot. Tsk. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Wala namang masama na nangyari sa akin. Bumalik na kayo at gawin ang misyon na iniatas ko sa inyo." "Subalit, Tyrion. Batid namin na hindi maganda ang kalagayan mo ngayon kaya hindi ka namin maiwan." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi ni Rhea. "Ayos na ko. P'wede na kayong umalis ulit." Akala ko ay maniniwala na sa akin ng mga kasama ko, pero seryoso lang nila kong tinitigan. "Hindi, kamahalan. Kung nais mo ay maaari ka naming isama na lang habang hinahanap na 'tin ang lima mong mga kasama. Isa pa, hindi rin naman kasi p'wede na manatili ka sa iisang lugar dahil maaari kang

