TYRION LANNISTER Pagkapunta namin sa kagubatan ay hinihintay na kami ng aming mga kasamahan. Seryoso ang mga tingin nila kaya hindi na lang din ako nagsalita. Umupo ako sa malaking bato. Med'yo malayo sa kinalalagyan ng mga kasama ko, pero sakto lang para makita nila ko at marinig ko sila. "Ano na ang nangyayari sa paghahanap ninyo tungkol kay Jade?" tanong sa amin ni Rex pagkadating na pagkadating namin. Malungkot ang mukha nina Rosanna at Aurora kaya kahit na hindi pa sila sumasagot sa tanong ni Rex ay malalaman mo na agad kung ano ang sagot nila. "Hindi namin nakita si Jade, pero may nakita kaming bahay na maaaring tirahan ng mga katulad na 'tin. Hinihinala namin na si Jade ang nakatira sa bahay na 'yon, pero hindi pa kami sigurado." Hindi sumagot si Aurora sa tanong ni Rex kay

