Kita sa gilid ng aking mata ang diretso niyang tingin gamit ang seryosong mata. Kanina pa siya tahimik mula no’ng pumasok siya sa aking sasakyan. Napatiim-gabang ako. Humigpit ang pagkakapit ko sa manibela. Nagsisisi kaya siya na ginawa namin iyon? O hindi niya nagustuhan? Binuka ko ang aking bibig upang magsalita sana nang maunahan niya ko. “Kalimutan mo na ang nangyari sa atin kagabi.” Binaling ko ang aking mata sa kaniya ngunit agad napatingin sa kalsada. Umayos ako ng upo. Malamig ang kaniyang boses. Hindi katulad kahapon na masigla siya at nakangiti. Nababahala na ako ngayon. Mukhang galit siya sa akin. “Paano kapag hindi ko malimutan?” Ilang minuto siyang hindi sumagot sa aking sinabi. Hindi rin siya lumingon kahit isang beses sa akin. Ngumisi ako ngunit nagngangalit na ang ak

