Nanlulumo ang aking pakiramdam habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko maikilos ang aking katawan. Hindi ko akalain na mangyayari iyon ng walang pasabi. Hindi namin inaasahan na mawawala ang aking Ina ng ganoong kabilis. Dahil sa heart attack, nawala siya. Nang walang pasabi. Nang walang paalam. Nanghihina ako. Hindi siya umabot sa hospital. Katulad ng naranasan ko kay Betty, nawala rin siya sa aking braso. Bumagsak ang kaniyang kamay habang nakapikit. Nahihirapan pa ang kaniyang mukha noon. Nahihirapan siyang huminga habang kapit-kapit ang kaniyang dibdib. Ginawa ko ang lahat upang hindi sila mawala sa akin. Hinigpitan ko ang seguridad ng kanilang pamumuhay upang hindi sila mapahamak. Ni isang beses hindi pumasok sa isip ko na mawawala siya nang ganoong kabilis. Hindi dahil sa tama n

