Malakas na bumukas ang pinto saka iniluwa nito ang aking mga tauhan na nagpapanggap na kabilang sa mga mahihirap na nakatira rito. Hawak ng mga ito ang kani-kanilang mga baril. Ang iba sa kanila ay may tama ng baril ngunit walang mababakas na takot at sakit sa kanilang mukha. Mga nagtatakbuhang mga tao ang makikita sa labas ng bahay. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking baril nang marinig muli ang susunod na pagputok ng baril sa labas. “Naghihintay na po ang sasakyan na pinadala ng inyong Ama, Sir Lennon.” “Ano’ng ibig sabihin nito, Jayden?” nanginginig na ani ng aking Ina. Hindi ako umimik saka hinawakan ang kaniyang siko upang igiya siya palabas ng bahay. Napasinghap si Mommy nang makita ang kaguluhan sa labas. Humigpit pa lalo ang kaniyang kapit sa aking braso nang mapasulyap sa

