Tristan's Pov: " Wag kang mag alala, kahit anino ko mismo wala ka ng makikita kung yun nga ang makapag papasaya sayo, kung yun man ang makapag aalis ng galit mo sakin. Mag iingat ka pa lagi. Salamat sa mga panahong pinaramdam mo sakin kung paano mamuhay ng masaya sa kabila ng aso't pusang bangayan natin. Salamat sa maiksing panahon na nakasama kita, salamat sa samahang nagbigay ngiti sakin. Salamat sa panahong nasa tabi kita, sa pag pag aalaga mo sakin nuon, salamat kahit sinabi mong hindi mo ko minahal pero naramdaman ko pa din yun sayo. Salamat ! Bukas na bukas pag uwi mo galing sa trabaho wala na lahat ng bakas ng isang babaeng nangloko sayo. Sana mapatawad mo ako. Sana napatawad mo na ako sa mga araw na muling pag tatagpuin ang landas natin. Sana maging masaya ka kasi naging masaya ak

