Sa Japan Hope's Pov: Kasalukuyan na kaming patungo ngayon sa isa sa pinaka sikat na tourists spot ng bansang Japan ang Ueno Park pero bakit bigla akong kinabahan nung umalis na kami mismo sa bahay. Napalunok ako, wala naman sigurong mangyayaring di maganda? Saka ko bahagyang sinulyapan si Keith sa rear view mirror. Mabilis naman akong napailing imposible, kilala ko si Keith at hindi niya magagawa sakin yun. Pero bakit ganito na lang ako kung kabahan ngayon. Pasimple na akong napapahimas sa bandang dibdib ko. " You okay?" Tanong ni Miya na agad ko namang ginantihan ng ngiti at sabay tango. " Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" mabilis na usisa ni Vleice. " Ah--huh hin--hindi. Excited lang siguro tu sa pupuntahan natin." Mabilis kong sagot saka ko pasimpleng bumaling sa rear view mirro

