Tristran Pov: Dalawang araw na pero bakit hindi ako pinatutulog sa pag iisip? Hindi ko talaga maipaliwanag at mawari kung bakit ginugulo ang isip ko ni Hope. Hindi ko din magawang umuwi sa sarili ko pamamahay dahil ayoko ding makasama si Faith. Pansamantalang umuuwi ako ngayon sa bahay ni Wayne, ayoko din namang umuwi sa bahay ni lola baka mahalata niya pa yung mga nangyayaring gusot sa buhay ko ngayon. Ayokong ikalungkot niya yun. Matiim kong tinititigan ang alak na nasa basong hawak ko. " Oy Tristan? Wala ka na bang balak umuwi sa sariling bahay mo? Mahiiya hiya ka naman aba, di ako makapang chics dito sa bahay ko dahil sayo." Saad ni Wayne. " Hahaha ! Paano uuwi kung andun yung nag aabang na grasya sa kaniya." Sabat naman ni Jester. " Lakas din naman kasi ng tama sayo ni Faith eh.

