[Phraea's POV] Napatingin ako sa relos ko. Alas sinco na pala. Tumayo ako matapos kong ubusin ang kape ko. "Ma'am, aalis ka na po?" "Ah, o-oo. I need to fetch my daughter. Uwian na kasi nila." Nagulat ako nung harangan ako ng isa sa mga waiter na naroroon. "Pinapasabi kasi ni Garen na gusto ka raw niyang makausap. Maghintay ka na lang po, Ma'am. Matatapos din 'yun sa trabaho maya-maya." Tumingin ako sa pinto kung saan pumapasok ang mga staff bago bumuntong hininga at bumalik na sa pagkakaupo. "Tell him that I only have five minutes to wait." "Thank you so much, Ma'am." Bahagya itong yumuko sa akin bago umalis na at inaccomodate ang mga nagsidatingang costumers. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Paige na baka mahuhuli ako ng dating, but I strictly did not mention anything abo

