[Phraea's POV] "You woke up in an island. Who took you there?" Tanong ng therapist ko sa isang malambing na tono. "I-i don't know," I lied. "Alam kong magulo pa ang isip mo dahil sa mga nangyari. You're traumatized and I understand." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "I'm not traumatized. I really don't know." Giit ko. "Hindi mo na kailangang pilitin. I know you'll remember eventually." Matamis siyang ngumiti sa akin at nagsulat nang kung ano sa notebook niya. May katandaan na ito dahil ilang hibla ng kanyang buhok ay nagkukulay puti na. Elegante ito tingnan dahil sa perlas niyang hikaw at gintong kwintas. "It was just me, Paige, and Rowena in a mansion na nasa gitna ng isla." Tumingin siya muli sa akin at tumango nang hindi inaalis ang ngiti sa kanyang labi. I don't think sh

