Niccolo's POV
"What?!! Absent siya?!" tanung ko kay Makoy. Tinanong ko kase sa kanya kung kamusta ang Leonor ko dito. Pero ang sabi niya absent daw ito.
"Yeah.. may sakit daw e." May sakit? Damn! Okay naman siya nung Saturday ah..
"Nagpunta ang lola niya pre.. Inaapoy daw ng lagnat since Saturday pa." Nilagnat ba siya nung gabi? Tsk! Sabi na e. Nung pauwi kami bumuhos ang malakas na ulan, wala kaming masilungan kaya nabasa kami..
"Two morons... Pack your things.. Magka cutting tayo. Samahan niyo ako."
"Huh? Wag kang BI sa amin Ferrer.. Study hard 'to men!" taas noong sabi sa akin ni Thunder.
"I'm busy in my research." bored na pagkakasabi sa akin ni Makoy.
"Okay. Ako na lang ang aalis.. But--" mabilis silang lumingon sa akin. "Walang sisihan huh..Thundz.. you wanna see your cool name in youtube? Hahaha I still have your s*x video. And to you Makoy---"
"Hep! Hep! I'm in. Si Dela Rosa lang ang may ayaw pre. O tara na!" masiglang pagkakasabi ni Makoy. Psh! I thought he's busy? Putcha! Pag baho talaga nila ang usapan, mas mabilis pa sa aso kung sumunod sila.
"OKAY! Lets Go!"
"Teka lang uy! Pre naman!! Walang ganyanan.. Heto na nga oh! Sasama na.." I smirked. He frowned.
"Tanging Ina pre! Burahin mo nga yun!" inis niyang sabi sa akin.
"Okay." The truth is wala naman sa akin ang video. Wala naman talaga siyang ganun.. He was drunk nung birthday ko last year, kaya akala niya may s*x video talaga siya.
"San ba nakatira si Leonor Rivera pre?" tanung ni Thunder sa akin nung makalabas na kame sa gate.
"I don't know."
"Ako. Alam ko. Ahm... sa 'Brgy. Kung Saan Lahat Ng Tao Ay Maganda'"
"O tara na!"
------
"Dito ba yung bahay nila pre?"
"Parang bahay ng mga matatanda."
Ang sabi ng mga napagtanungan namin, hetong bahay na nasa harapan ko ang bahay ni Leonor. Pero kung titingnan ko, mukhang masisira na e, mukhang walang tao.
Pinagtitripan ba kami ng mga tao dito? Putcha! Wag ko lang malamanlaman na pinagloloko nila kami. o>_Sinu yan?" Confirmed! Matanda nga nakatira dito. Nakakatakot ang boses..
Pagbukas ng pinto. Halos lumundag ang puso ko. Akala ko ako lang ang nakaramdam ng takot pati din pala ang dalawang ito. Psh! Mga bakla. Kumapit sa magkabilang braso ko.
Anim na matatandang babae, mahahaba ang mga buhok, maybe they are around 70's na. And their look.. parang isa kaming micro organism na sila ang scientist dahil ang mga mata nila ay parang magnifying glass.
"Ma--magandang tanghali po." Bati ko.
"Sinu kayo? Sinung kailangan nyo?" tanung sa akin nung pinakamatangkad sa kanila. Putcha! Ang cold ng boses, para kaming nasa horror movie na natrap sa isang haunted house. Nagsalita si Makoy.
"Taga Illustrados University po kami. Ita----"
"Anong kailangan nyo sa apo namin? Kay Leonor Rivera?" Kung di lang kami takot baka tumawa na kami eh, Imagine hanggang dito ba naman yang pangalan niya binubuo pa rin.
"Papasukin mo muna sila Lucia." sabi ng isang matanda. Niluwangan nila ang pinto. Ahhh. Not bad naman pala ang loob ng bahay. Di ganoon ka old ang bahay nila. Malinis kahit kokonti ang gamit.
"Heto ang unang beses na may nag hanap kay Leonor Rivera. Ano kailangan niyo sa kanya?" tanung sa akin ng isang lola. Habang nilalapag ang juice at tinapay. Nagsalita ako.
"We heard that she's sick."
"And so?"
"I'll take care of her." Diretso kong tiningnan ang mata nung Lolang may hawak ng makapal na libro. Biglang dumating sa kanila ang matandang may headset.
"Nanliligaw kaba sa kanya?" tanung sa akin.
"Opo. Ipinapaalam ko na po sa inyo ang gagawin ko."
"Mukha ka namang mabait iho. Pero sigurado ka ba huh iho? Di ko minamaliit si Leonor Rivera pero sa mukha mong yan? Mukha ngang kahit buhay naming anim kaya niyong bilhin--"
"Oy! Carmen! Yung sa'yo lang wag mu kami idamay."
"Psh! Yun na nga.. mayaman ka iho.. di ka bagay sa kanya.. Hanap ka na lang ng iba, masasaktan lang siya sayo." Masasaktan? Eh ako nga sinasaktan nun e. Saka ito nanaman ba ang issue? Minsan diko na alam ang gagawin ko mapatunayan lang na mahal ko siya. Mag propose na kaya ako? Ahm... Not Bad. (*^﹏^*)
"Ngayon din po, dito sa inyong harapan pwede ko na siyang pakasalan. Mahal ko po siya at malinis ang intensyon ko sa kanya." Lahat ng matatanda nasa harapan ko, parang kinikilatis nila ang sinabi ko. Sa totoo lang, kaya ko naman panindigan yun eh..
"O siya. Kumbinsido naman ako na mahal mo talaga siya. Pero wag muna kayong magpakasal! Mga batang ire, mapupusok kahit kailan." Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
"Puntahan niyo na siya sa kanyang silid. Dyan sa pangalawang silid sa itaas, yun ang kanya at siya talaga yun, medyo maputla lang."
"O sige po." tumango lang kami.
"O siya. Tara mga tanders! Rakrakan na."
"Anung tanderz ha Lucia?!! Mas mukha kapang matanda sa amin" And their conversation goes on. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko at nagkibit balikat na lang. Haaay! Kabado talaga ako kanina tapos ganyan pala sila.
"Ang astig nila pre. Hahahaha :D " Bakit ba tawa ng tawa ang Makoy na'to? Kanina naman walang ni isang salitang lumalabas sa bibig niya.
"Heto na ba ang silid niya?" Nauuna si Thunder sa paglalakad. Pumasok na ito agad. Pero lumabas din.
"Mali ako ng napasukan na kwarto pre," Napakamot pa siya sa ulo niya. Anong mali? Pangalawa sa taas. Odi heto yun.
"Heto yun. Tanga!" sabi ko.
"Hindi nga e, wag kang nagmamagaling." angal niya. Nagkasukatan kami ng tingin. "O siya sige pre.. kayo ang tumingin.. bahala kayo a. Ibang babae ang nandyan." Ibang babae? What the--- Nakakaputcha talaga ang lalaking 'to.
"Matignan nga." sabi ni Makoy. Tapos pumasok siya at sumunod ako.
"Di nga siya yan pre!" Sabi ni Makoy. Pfft!
"Si Leonor yan mga gunggong.."
"Weh?" sabay nilang sabi. Tama naman ako ah. Si Leonor talaga 'to minus the eyeglass nga lang.
"E bat nag iba ang--- Maganda pala si Leonor" manghang pagkakasabi ni Makoy.. Teka? Baka mawili ang gunggung nato at ligawan ang Leonor ko. Nah! Di pwede 'to. Mabalaan nga. -_-#
"Hoy---"
"Hala! Gising na si Leonor Rivera." PSH! Save by the bell !
--
Leonor's POV
Ilang araw na ba akong may sakit? Ilang araw na din ba akong nakaratay sa higaan ko? Tss. Mahina talaga ako pag dating sa ulan. Noong bata nga ako, ni minsan di pako nakaligo sa ulan kaya nga inggit na inggit ako sa mga bata sa labas.
'Leonor Rivera'
That name of mine again? Hanggang sa ganitong kalagayan ko naririnig ko pa din yan. Tsk! Nagmulat ako ng mata. Tatlong gwapong lalaki ang namulatan ko.
Parang ngang kamukha ni Royce at si Makoy... saka yung isa... ahm... Thunder ba yun? Tsk! Basta mga yun. Pumikit ako ulit. Baka dahil may sakit ako, nakuha ko ng mag hallucinate. Nang dumilat ako ulit, yung tatlo ulit. Holy shiz! Nakadrugs yata ako e.
"Prinsesang Leonor Rivera.. gumising kana!" Huwaaat?! Napabalikwas ako ng bangon.
"ANONG GINAGAWA NIYO DI-- ~AwwT_T" Sumakit ang ulo ko. Tsk! Nabigla kase ako eh. Mabilis lumapit sa akin si Royce.
"Sshh. Humiga kana muna-- Oy! Makoy! Kumuha ka muna ng tubig. Thunder hingi ka ng gamot." Ang OA! -_-
"Okay naba kalagayan mu?"
"Bakit nandito kayo?"
"Di ka kase pumasok. Nagalala ako." Yumuko siya. Ang gwapo talaga niya kapag ganyan siya.
"Dyan ka lang saglit. Ipagluluto kita ng makakain mo."
"Teka!" Pero di niya nako pinakinggan. Umalis na siya. Paano siya magluluto? Eh wala namang pagkain sa ibaba. Napailing na lang ako sa ginagawa niya. If a person wants to be a part of your life, they will make an obvious effort to do so.
And Royce is that person, effort kung effort kase siya, Just like now.. Magluluto siya for me. And it feels good.. Akala ko dati hanggang pangarap na lang yung may lalaking mag aalaga sa akin. Ngayon, nangyayari na talaga, di ito panaginip at kung magkaganun man.. na panaginip ito, sana... sana... sana di na lang ako magising.
Humiga na ulit ako.
Teka? Di ako nakasalamin (⊙o⊙)?
My gowlay!
"Leonor Rivera, heto ang tubig at gamot" Psh!
"Will you stop completing my name!" (>_Leonor Rivera! Heto yung isa mo pang gamot oh!" →_→ Isa pa 'to e.
"Kayo! Pag kinumpleto nyo pa ang pangalan ko! Makikita nyo, tatadtarin ko yang mga dila niyo"
"Ang sungit sungit mo naman."
"Kaya nga.. porke maganda ka pala."
Hanu? ╮(╯3╰)╭ Hayy! Bakit ko ba pinipilit ang sarili ko na intindihin ang mga abnormal na'to. Anung konek ng pangalan ko sa gandang sinasabi nila?
"Arggg! Umalis nga kayo dito!" Mabibinat yata ako e.
"Sorry, Leonor Rive--- ~Opps! Muntikan na.. Huuu! Di kami aalis dito dahil bilin yun ni Kamahalang Niccolo Drakulo. Bwahahahaha!" Confirmed! May saltik nga talaga 'tung si Makoy. Anu daw 'Niccolo Drakulo'? Drakulo = Drakula? Hahaha Pwedi. Tapos iniisip ko yung mukha ni Royce pag kinakagat ang leeg ko. Kyaaahh! Ang excited siguro nun.
X﹏X
Bat ang harot ko mag imagine? Nakakaloka! Makainum na nga lang ng gamot.
Iinumin ko na sana ang gamot ng biglang dumating si Royce.
Holy shiz! Biglang nag slowmotion ang mga bagay sa paligid ko.
Calm down, Leonor! Stop imagining things that are non-sense! Shiz! Calm Down Again Leonor.. you might have a crush on him.. but what if they're just playing a game? And the center of their game is YOU? Tsk! I feel it.. Di nila magagawa sakin yun.
"You must eat this first" sabay biglang subo sakin ng pagkain. Niluto niya ba to o inorder lang? Argh! Whatever.
"Sinu nga pala nagpapasok sa inyo dito?" tanung ko matapos kung uminom ng gamot.
"Sila Tanders!" Tanders?
"Makoy..." babala ni Royce.
"Tsk! Oo na. Sige na. Tanders meaning matatanda. Di ako ang nag imbento ng salitang yan kundi yung isa ding matanda na may headset. (・へ・) "
Si Lola Lucia talaga Oo! Pero what?! Mga tanders? Meaning, lahat sila? Isa lang ibig sabihin niyan. They trusted these idiots. At yang trust na yan ang nagpapasok sa kanila dito sa balwarte ko. Ang galing! Ang galing talaga. Psh! ~(*+﹏+*)~
"Maganda ka naman pala Leonor Rivera, bakit di mu ipakita sa school.. para dika na din na bubully.. Gayahin mu si.. Si Chloe, dating nerdy lang din yun, ngayun kaliwa't kanan na ang mga boyfriend nya, ex din yun ni Thunder. Diba, pre?" Tumango lang si Thunder. Yung Chloe ba na sinasabi nila is yung babaeng maarte? Nerd yun dati? Di halata ah..
"So, you mean.. I must be imitate her?"
"Sort of."
"Nah! I'd rather to be bullied by people than trying to be someone else, that's a waste of person I am."
"And I already love her.. Nerdy pa yan or Beauty Queen.. " Napatingin ako sa kanya at yumuko, pakiramdam ko kase umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Keneeeleeeggs e!
"~Ouch!" Daing ko. Tinignan ko ng masama si Makoy.
"Anun---"
"What is mine is mine, Makoy.. Mark that!" singhal ni Royce kay Makoy. Nagseselos bato dahil kinurot ni Makoy ang pisngi ko? Eh?
"Psh! Oo na.. Leonor Rivera may kapatid ka ba? Yung kaseng genius mu? kasing cute mo..-- Okay.. Wag mu na lang intindihin yun'' Pfftt! Bat ba takot na takot mga 'to kay Royce? Hihihi.. Tingin pa lang tiklop na sila.
"Anu 'to? Hahahaha :D Ikaw ito? Hahaha Ang Kyowt! " (⊙o⊙) Darn!
"Bitawan mo nga yan Thunder!" Huhuhu ~T_T~
Mga photoalbum ko yan e.
"Patingin nga." Kanina nasa tabi ko lang 'tong Makoy nato ah. Psh! Tinignan ko si Royce, tingin na may pagmamakaawa. Pero ang kumag, nagkibit balikat lang. Grrr!
"May I see it." (*>.Heto! Heto! Wahahahahaha" Argh! Tama na please..
Ang daming kasalanan ng mga magulang ko sa akin, una ang pangalan ko na talaga namang nakaka agaw pansin sa crowd, tapos... heto... mga larawan kong halos sumpain ko na dahil puro kapalpakan ang mga kuha.. Mayroon yung bungal ako.
"Anak ng---* Wahahaha One sit apart ang ngipin wahahaha " T_T I told yah!
Mayroon nga ding naliligo ako sa batya ng walang panty at kita na si Kwek Kwek ko.
(⊙o⊙)?
Kwek kwek?
Patay!
Mabilis akong lumundag sa kama ko at tinakbo ang direksyon nila. Akmang bubuksan na nila ang last page ng pigilan ko sila. Mukhang yata nagulat sila sa ginawa ko.
"WHAT?!" Sinu ba kase may sabing pwede nilang pakelaman mga gamit ko. Haayy! Buti na lang naagapan ko.
"Luhh! Nagdudouble ka sa mga palabas nu? Galing ng stunt mu ah " asar sa akin ni Thunder.
"Tse! Lumayas nga kayo dito mga pangit."
"Yan ang hirap sa mga tao e, napuri lang na maganda, ang lakas ng manlait ng kapwa" sabi ni Makoy sabay irap.
Nakakainis naman eh.
"Hahahaha Don't pout my dear woman. Nakakatempt. Alam mo ba yon?" Iiiihh! Hayan nanaman siya sa kilig lines niya. Mataman nya lang akong tinitignan.. "At hwag kana ulit lulundag ng ganun ganun lang huh? Baka mabinat ka. Aryt?"Royce naman e!
"Opo." mahina kong sagot. Bumaling naman ito sa dalawa.
"At kayo---"
"Sige pre! Hintayin kana namin sa baba. Hwag kang iiscore agad agad ah! Pinagpaplanuhan yan!"
"Aba't---"
"Babush Leonor Rivera! See you when I see you!" Ang kukulit talaga. Kahit si Royce di mapigilan ang kadaldalan nila. Napahagikgik ako ng kaunti. Kaunti lang... Hehehe.. Baka isipin nito masyado akong masaya.. Which is true naman... Nakaka alis sila ng sakit.
"You find them cute? " nakakunot noong tanung sa akin ni Royce.
"Bakit mo natanung? Ahmm.. Oo.. cute sila.." Naman! pero mas madating ka kaysa sa kanila.
"DAMN IT! Di ko na sila palalapitin sayo " Ay? Anyare?
Ang mood talaga nito parang babae -_-# Nakakaloka! Nagseselos ba'to? Kung Oo! Aware ba siya sa kalamangan niya sa mga yun?
Aww! Kahit pala may ganyang kaperpektong mukha, naiinsecure din paminsan minsan.
"Nagseselos kaba Royce?" tinignan niya ako at tumango.
"I can't help it Leonor.. I love you, and I don't know your feelings.. parang maya maya lang pag di ako malapit, maagaw ka ng iba sa akin." s**t na malagkit! Ang haba ng hair ko.
Pero ewan... My heart beat fast.. Mahal ko na nga yata siya.. Haayy..
Bago ko pa maisip ang sasabihin ko bigla ko na lang siya niyakap, naramdaman ko pa nga na nagulat siya pero sandali lang dahil gumanti din siya ng yakap.
"Assurance from my dear Leonor, huh? Nice." bulong niya sa akin.
---------