Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay agad akong napatakip sa ilong ko. It reaks the smell of alcohol. Mas masahol pa ‘to sa amoy ng nasa bar. Nakita ko si Angel na nakasandal sa headboard ng kama at nakapikit. May hawak pa siyang baso ng whiskey na may lamang alak. Gulong-gulo ang buhok ni Angel at kahit nakapikit ay hatalang-halata ang pamamaga ng mga mata nito. Nakasuot ito ng plain dress na pula at walang manggas. Nagmumukhang pantulog ito dahil sa medyo makinis na tela nito. Hindi ko lang sure kung gaano kataas ang suot niya pero dahil sa pagkakaupo niya ay naexpose ang binti niya. “Angel?” tawag ko sa pangalan niya habang papalapit sa kanya. At gaya nga ng sabi ni Sandra ay nagkalat ang mga bubog at mga gamit ni Angel sa sahig. “I’ll leave you alone with her, ha? You know, you can

