“Oh, ang saya mo yata?” tanong ko kay Jeremy nang maabutan ko siya sa kusina. Nakasuot siya ng apron at siya rin ang naglalagay ng mga nalutong pagkain sa mesa. “At ang sipag pa,” dagdag ko habang napapangiti. Medyo na-impress pa ako sa arrangement ng dining table namin dahil nagmukha iyong parang sa isang high-end restaurant. May telang puti na naka-cover sa lamesa. Sa gitna ng lamesa ay may isang crystal flower vase na may red tulips na maayos na naka-arrange. May mga red roses petals pa na maayos na nakakalat sa ibabaw ng mesa. At kahit tirik na tirik ang araw ay may kandila pa na nakasindi sa gitna ng lamesa. “Oo naman! Para kaya ‘to sa babaeng pinakamamahal ko. I will spoil you so you better ready,” anitong kinindatan ako habang naghahanda ng mga pagkain namin. Nalula ako sa dam

