Follow-up check-up ngayon ni Maureen at iritadong-iritado niya dahil nasa tabi na naman niya si Francis na todo bantay sa kanya. Hindi lang iyon. Maging ang kanyang mga kapatid ay may kaniya-kaniyang mga tauhan upang magbantay sa kanya. Hindi naman masyadong obvious ang mga iyon ngunit sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay naroroon ang mga pagmumukha ng mga ito. Bigla pa ngang nagkaroon ng instant position sa opisina niya. Maging ang building site na pinapagawa niya ay mayroon din. Hindi lang niya alam kung may makakalusot pa sa mga iyon. "I didn't ask you to be here kaya pwede ba umuwi ka na! Naaalibadbaran na ako sa mga pagmumukha niyo," mataray na sikmat niya sa binata. "Thank you for appreciating my handsome face. Matagal ko nang alam na gwapo ako," nakangising wika nito sa kanya. S

