"Hoy, bakla! Saan ka na naman pupunta?" tawag ni Matteo sa kanya habang papalabas siya ng botique. "Kahapon ka pa alis nang alis nang hindi nagpapaalam. Hahanapin ka na naman sa amin ng mga magulang mo." Hinabol pa siya nito at hinawakan sa kamay upang pigilan siya. "If you want to talk about it nandito naman kami. Bakit kailangan mo pang itago eh kitang-kita naman namin ang pag-e-emote mo." Napabuntong-hininga siya. Oo nga naman! Bakit pa siya aalis kung pwede naman niyang sabihin sa mga ito ang nararamdaman total ay alam naman ng mga ito ang pinagdadaanan niya, ang pinagdadaanan nila ni Francis. Sa totoo lang ay nakakabobo na rin naman kasi. Alam naman niya ang sagot at isasagot ng mga ito sa kanya sa problemang ito but she chose not to follow them. Nakakagaga na nga eh. Hinila siya

