Tahimik na nagkubli si Maureen sa sulok dahil sa paparating na mga yabag. Hindi niya alam kung sino iyon at baka ikapahamak pa niya kaya mabuti na iyong sigurado. Isa pa kung si Francis iyon ay hindi niya gustong makita ito. She despised him. Ayaw niyang makita ang taong dahilan kung bakit nawala ang kanyang mga magulang. "Maureen?" tawag ng isang pamilyar na tinig. "Maureen? I know you're here. Come out." Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay dahan-dahang lumabas sa pinagkukublian. "What are you doing here?" tanong niya sa bagong dating. "Ikaw ang dapat kong tanungin kung bakit ka nandito?" sikmat nito sa kanya. "Nag-aalala na sina Mommy at Daddy kung saan ka nagpunta? C'mon let's s go home." Gusto niyang sumbatan ang kapatid kung saan nag-aalala ang mga magulang nila. Sa kadahil

