Warning! Mature Content! Read at your own risk! Hindi mapigilan ni Francis na bigyan ng makapapugtong-hiningang halik ang dalaga dahil sa sinabi nito, dahil sa pag-amin nito, sa pag-amin nitong mahal na siya nito. Hindi niya akalain na ang pag-alis niya kanina ay magreresulta ng napakagandang balita. Ginawa lamang niya iyon dahil ayaw niyang may masabi pa siyang hindi maganda sa dalaga na magiging dahilan para mas mag-away sila. Hindi niya aakalain na sa ginawa niyang iyon ay ganito ang kalalabasan, ang pag-amin ng dalaga sa kanya. "Really?" paniniguro niya rito na ikinatango naman nito sa kanya. "Say it." "I love you," madamdaming saad nito sa kanya. "Please don't get mad anymore." He pulled her closer again to his body and gave her tight hug. Then he claimed her lips once again ha

