Chapter 14 Jopay's POV Nasa palengke kami ni Livi. Niyaya ko siya pumunta ng palengke para mamili ng makakain namin. Kakatwang hindi maarte ang isang 'to. Habang nagalalakad ay aksidenteng nabangga ni Livi ang isang lalaki. Bigla akong kinabahan. Brusko ang isang 'to samantalang walang pakialam ang kasama ko. "Hoy! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?! Tanga ka ba?!" Hinawakan ko sa braso si Livi. Hinarap ko ang lalaking iyon. "Sorry po. Hindi po niya sinasadya." "Anong hindi sinsadya?! Sabihin mo, tanga siya!" Binalingan ko si Livi. Tahimik subalit seryoso ang tingin sa lalaki. Talaga bang wala siyang paki sa lahat? Papatayin nalang siya hindi pa rin kikibo? Tsk! Ang daming tao. Palengke ba naman. Malamang pagkukumpulan ka talaga. "Hindi mo ba ako kilala?! Ako ang siga dit

