Chapter 16 Jopay's POV MAGANDANG umaga ang bumungad sa'kin nang umagang iyon. Ang sarap sa pakiramdam ang gigising ka sa umaga na may matamis na ngiti sa labi, kasabay ang matamis na ngiti nang isang taong napagtanto mong mahal mo. At iyon ay si Livi. "Jopay! Oh? Jopay ng buhay ko!" Agad kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Livi mula sa labas ng kwarto ko. Oo. Nandito siya sa bahay mga ilang araw na rin ang nakalipas. Ewan ko ba sa lalaking 'to! Hindi ko rin alam kung saan nagpupunta, at ang sabi may inaasikaso lang. E, di... siya na abala. Masikip pa naman dito at walang masyadong espasyo sa loob ng bahay kesa sa penthouse niya na halos kasing lawak ng isang amusement park. "Mahal? Tulo laway ka pa rin ba?" Anak ng.... 'di bale na nga lang! Tss. Agad akong bumangon at du

