Chapter 2

1857 Words
Chapter 2 Jopay's POV "MAY LIVE SHOW BA?" Humalakhak  ang lalaking kakapasok lang sa loob ng opisina  ni Boy Tamad. Wala bang good manners and right conduct ang lalaking 'to? I mean, pumasok na hindi man lang inabalang kumatok. Dahan dahan kong isinara ang zipper  ng pants ni BT, short for boy tamad. Tss... Ba't ba? May orihinal ako, e. Nang makatayo, ay inayos ko na rin ang sarili ko. "Mali ang iniisip mo," mahina kong sabi at pansin ko ang pag-ngiti niya. "Anyway wala naman akong pakialam kung anong kabalbalan ang ginagawa niyo, e." Sabi niya at saka tumayo at lumapit sa akin. "Anong pangalan mo?" Aniya at nilapit ang mukha sa harapan ko. Bago pa niya ako mahalikan sa pisngi ay nahuli na agad ni Livi ang palapulsuhan ko at nilayo niya ako sa lalaking 'yon. Hindi ako nakapag salita. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa lalaki. Nagkibit ito ng balikat. "Napadaan lang. Galing kasi ako kina Viktor at dumaan na rin ako kay Isabela. Alfonso's wife, may meeting lang," paliwanag niya at naka-ngiti ulit siyang tumingin sa akin. Tinapunan ko rin siya ng ngiti. He's handsome with his blue eyes at ang makakapal niyang kilay ay bumagay sa maputi niyang balat. Palagi siyang naka ngiti, 'di tulad ng lalaking nasa tabi ko, palaging salubong ang kilay. "I'm Genesis Lovely. Just call me Gen or GL, or Love-" Hindi pa naman natapos ang sasabihin niya ng umepal si Livi. "She's my employeer. Hindi ito oras ng daldalan Gen. Huwag mo siyang isturbuhin." "Mo? O, kami?" Tumawa siya. "Genesis!  Out!" Singhal ni Livi. Tumaas ang dalawang kamay niya, patunay na suko siya agad. "Alright! Alright! Kung hindi lang kita nakakatandang kapatid, susuwayin talaga kita. Pero dahil may date ako ngayon. Hindi muna kita iisturbuhin." Bumaling siya sa akin sabay kindat. Ginantihan ko lang siya ulit ng ngiti. Mayamaya ay may sumagi sa isipan ko. Isa siya sa doon sa bar no'ng gabing iyon. Hindi niya na siguro ako maalala. Sabagay, sino ba naman ako para kilalanin niya? Tss... "Bye for now Miss??" "Gem nalang," sabi ko at ngumiti ulit. Rinig ko ang pagmumura ng katabi ko. Possessive ang boy tamad? "Gem. Shine like a beautiful jewel." Kindat niya ulit at bumaling sa kapatid niya raw. "Alis na ako, masyado na ata ako nakaka-isturbo sa inyo. Hehehehe. Bye-" At diretsong naglakad hanggang sa tuluyan na itong nakalabas. Saglit na katahimikan at mayamaya ay nagsalita siya. "Huwag mo siyang kausapin," kunot noo niyang pagbabawal sa akin. "Bakit naman? Halata namang mabait siya kesa sa'yo 'no." "Star player ang kapatid kong 'yon." Star player? Ng ano? Basketball? "E, di magaling kung star player." Nagkibit ako ng balikat. "Hindi mo ba nakuha ang ibig kong sabihin?" Inis niyang tanong sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Virgin lang ang hindi nakakakuha ng sinabi mo!" Kumibot ang gilid ng labi niya at masama ang tingin sa akin. Ano ba ang mali sa sinabi ko? Pfft... "Ki babaeng nilalang, daming kabalbalan!" "Excuse me? Nagsasabi lang ng pawang katutuhanan. Honesty is the best policy? Tsk! Tsk! Tsk! May bago na ngayon." Ngayon, kunot noo niya na akong tinititigan. "And what about that?" Nag-isip ako ng magandang irarasaon sa kanya. Mayamaya lang ay gumana ang utak ko at may naisip na agad na sasabihin. "Ang katapatan ay daan ng ating magandang samahan." Napalabi ako sa sa'king sinabi. "A-ang ibig kong sabihin, ay sa trabaho. Hehehehe. Tama sa trabaho.... trabaho ko sa'yo, at baka tataas ang sahod ko." Saglit akong tumalikod at pinisil ang sariling pisngi. "Gaga ka talaga, Gem!" Mahinang usal ko sa sarili at saka humarap na ulit sa kanya. "Turturing yourself and monologue. Baliw ka na siguro." Tumayo siya sa kanya kinauupuan at lumapit sa akin. "Magandang samahan? Mukhang maganda ang naisip mong rason, Jopay," ngisi niya at napalunok ako. Pinag-sisihan ko na ang mga binitawan kong salita. Lahat na sinabj ko, pinag-sisihan ko na.O Hindi na ako kumibo at hindi ko na pinatulan. Hahaba lang ang usapang kalandian. "Virgin, huh?" May gumuhit na ngiti sa labi niya sabay tingin sa kabuuan kong katawan. Napa-atras ako ng kunti subalit mabilis niyang sinapo ang bewang ko, mahigpit niyang pinisil ang tagiliran ko, na aking kinabahan ng husto. "Aalis na ako. Kung may ihahabilin ka bago ako pupunta ng unit mo, sabihin mo na," umiwas na ako ng tingin. "Wala na." Bago niya ako pinakawalan ay nilapit niya ang labi nito sa tainga ko. "Makakaalis ka na." His voice huskily and seducing. Isama na rin natin ang kamay niyang gumagala sa likod ko.  At nakaramdam ako ng pagliliyab sa buong sistema ng katawang lupa ko. "O-okay! Adios." Sabi ko sabay tulak sa kanya papalayo sa katawan ko. Doon ko naramdaman ang panlalabot ng mga tuhod ko. Bago pa ako umalis ay may huli pa siyang sinabi. "Hwag kang aalis ng unit hangga't hindi pa ako nakauwi. Kuha mo?" Seryoso ang mga matang nakatitig sa akin. "Okay!" Sagot ko at saka lumabas sabay sarado ng pintuan. Nakahinga ako ng maluwag. Dahil ang totoo, kinakabahan talaga ako ng husto. Parang may kuryente kasing dumadaloy sa buong sistema ko kapag nagtatama ang mga mata namin. Buti nalang at pinalabas niya na ako. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ay hindi ko maiwasan angbpapaling paling ng tingin. Ang ganda ng hotel at halatang pang high class talaga. Sa pagkakahula ko, hindi bababa sa 10k ang babayarin mo sa loob ng isang gabi. Obvious naman kasi na yayamanin lang ang pwede dito. Five star hotel at isa sa mga sikat sa magazine. Hindi rin basta basta ang mga trabahanti dito. Pero naisip ko. Bakit niya ako tinanggap kung gayu'y high class rin ang mga empleyado dito? Anong pakiusap naman kaya ang ginawa ni Duke sa lalaking 'yun, at napapapayag niya? Napa-buga nalang ako ng hangin sa kawalan. Mayamaya pa ay pumasok na ako sa lift at bago ko pa pindutun kung saang floor ako bababa ay tiningnan ko muna ang numero na ibinigay sa'kin ni BT. "25?" Kunot noo ko iyon tiningnan. E, ito na ata ang second to the last na palapag ng hotel na ito ah? Ang layo naman. Imbes na magreklamo ay pinindot ko nalang ang button at saka umandar ang elevator pataas. Nasa 2nd floor pa kasi ako, kaya minuto pa siguro ako makarating sa 25th floor. Few minutes. Bumukas ang pinto ng lift. Agad naman ako nagtaka bakit ang tahimik ng palapag na ito. Napansin ko rin ang kakaiba siya sa lahat ng palapag dahil may red carpet ito, na 'di tulad sa ibang palapag na itim. "Ang taray! Ang yaman ng lalaking 'yun! Dito ba talaga siya nakatira?" Mangha kong sabi sa sarili. Napansin ko na iisang kwarto lang pala ang meron dito. Tiningnan ko ang wipe card na binigay niya at tama nga. Ito ang kwarto niya. "Bakit nag iisa?" Nilagay ko ang swipe card sa may pintuan na siyang susi nito at awtomatikong bumukas siya. Dahan dahan kong pinihit ang pintuan hanggang sa makapasok ako. Napa-awang ang labi ko ng makita ang loob. Ang kremang dingding at itim ay binagay talaga sa kulay ng mga kasangkapan sa loob. May isang malaking flat screen tv na naka-dikit sa dingding na kulay itim, at sa itaas  nito ay ang ilaw na kulay kahel. Ang sofa na dalawang pahaba at sobrang puti, na animoy nakakatakot upuam dahil baka madumihan. Ang mga unan nito ay kulay itim at krema.  Sa gitna naman ng magkabilang sofa ay may lamesang parisukat at kulay itim, at sa gitna nito ay salamin. Sa ilalim ng mesa ay may mga latest magazines, babasahing news paper at iilang libro na pwdeng basahin o libangan ng bisita. At ang may, mabalahibong carpet pa na siyang protekta sa maputing sahig . May iilang sining, sculpture at mga babasaging vase sa magkabilaang bahagi ng flat tv. Sa kanan ko naman ay may mini bar. May mga naka-sabit na mga wine glass sa na siyang magpaganda lalo sa loob ng silid. Mga mamahaling alak at inumin na nasa wine rack o sheves nito. Ganun rin ang kulay, pero itim na ang lahat maliban sa upuan na gawa sa bakal na kulay pilak. May acquarium rin na malaki sa gilid ng mini bar at mas namangha pa ako dahil ang kalahati ng silid ay yari sa makapal na salamin. Tumungo ako doon at napa-wow nalang ako sa ganda ng aking nakita. Dito mo masaksihan na bilog talaga ang mundo. Kitang kita ang buong syudad at ang ulap na kulay puti at ang kalawakan na asul. God! Pang mayaman ang silid na ito. "Ang ganda..." Sambit ko nalang dahil wala na akong masabi. Nilibot ko ang buong silid. Malinis at wala ni isang kalat na nakitaan. Paano ko lilinisin ang bahay na ito kung pwede ko na gawing salamin ang sahig? In-enjoy ko lang ang magandang view. Hindi ako makapaniwala na dito ako magta-trabaho. Bumaling ako sa kanang bahagi ng unit. May bar island at sandamakmak ang mga whisky at wines. Tinungo ko iyon at naka-ngiting pinag-masdan. "Unli inuman pala dito kapag may okasyon sila." Iginala ko pa ang aking paningin. Sa dulo ng bar island may apat na uri ng whisky. Pamilyar sa akin ang mga alak na iyon. Mamahalin. Pansin kong may bawas na iyon, at dahil wala namang cctv gusto kong tumikim ng kaunte lang. As in kunti lang. Pampatanggal uhaw sa lalamunan. So ayon nga, tinikman ko isa-isa ang mga alak na naka-display doon. Sa hindi ko namalayan napaparami na pala ako ng tikim hanggang sa naubos ko iyong isa—masarap kasi lasa niya matamis-tamis na alam mong sa huli bagsak ka, pero dahil mataas dosage ko sa alak hindi kaagad ako malalasing. Sa isang oras na nakalipas ay masasabi kong tinamaa. Na ako ng alcohol sa katawan. Akma akong tatayo ng kamuntik na akong mabuwal. Napamura ako. Akala ko kasi hindi ako malalasing ng mga iyon. Tangina! Napasarap ata ako. Napanguso ako sabay tingin doon sa mga naubos kong alam. "Gago! Nalasing ninyo ako, ah?" tatawa-tawang sabi ko sabay kuha ng wine glass na wala nang laman. "Ubos na? Naku, baka maabutan ako ni boy tamad—" hindi natapos ang sasabihin ko nang may napansin akong isang lalaking nakatayo sa aking tabi. Nakayuko ako kaya hindi ako sigurado kung sino. Sa isip-isip ko isang tao lang ang alam ko. Nang umangat ang mukha, isang mukhang salabong ang mga kilay. Ang longsleeve na inayos ko kanina ay hindi na katulad kanina. Bumalik sa dati nung una ko siyang nakita sa opisina nito. "And what do you think your doing?" kalmado pero nakakatakot ang boses na sabi niya. "Drink all my wines there?" Napalabi ako dahil hindi kaagad makasagot. Hindi ko rin naman kasi alam na mauubos ko pala 'yong apat, e. Napa-nguso ako. "Sorry," mahina sabi ko. Medyo nakakaramdam na ng hilo. "Papalitan ko nalang—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hilong-hilo na talaga ako. "Damn it!" Rinig ko pa ang pagmumura niya, at naramdaman ko na rin na parang binuhat niya ako. Baka bukas wala na akong trabaho. Baka gigising ako nito mamaya nasa labas na ako ng gusaling 'to. Punyetang alak bakit ko pa kasi tinikman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD