Chapter 22 Jopay's POV "SIT DOWN, HIJA AND ENJOY YOUR LUNCH WITH US," Halos hindi na mawala ang ngiting kanina pang gumaguhit sa pisngi ko. Paano ba naman kasi, ang babait nila... lalo na ama ni Livi na, sa likod ng kanyang seryosong mukha ay may masaya, at palangiti palang tao ito. Maging ang kapatid niyang si Psalm. Unang impression mo sa kanya ay mataray, maldita, at masungit dahil sa ipina-pakita niyang pag-uugali sa mga ka-meeting nito. Pero, halata 'yong pagiging spoiled brat niya. Ang bongga kasi kung manamit. Hindi ko kailangan pang sipatin si Genesis. Halata naman kasi at kilala ko na, na masiyahing tao talaga siya. "Maraming salamat, po" naka-ngiti kong sagot sa ama ni Livi. Matapos iminuwestra ni Livi ang silya, at naupo rin siya sa katabing upuan. Napansin ko na may isa

