Finding the one-1

2433 Words
"Je! Je! " napabangon ng wala sa oras ang dese sais anyos na si Jewel,ng marinig niya ang malakas na boses ng kanyang ateng si Mia. Sa tono ng boses nito ay halatang may mahalagang kailangan ito. Paungas-ungas siyang bumangon at mabilis ding pinusod ang mahabang buhok. "Ate, bakit po? ang aga niyo naman pong nanggising. Inaantok pa po ako."ang mga mata niya ay nakapikit pa rin. Gusto pa niyang matulog dahil araw ng linggo, day off niya at wala siyang balak na lumabas at mamasyal.Kaya naisipan niyang ibuhos nalang ang buong maghapon sa pagtulog para makabawi sa ilang araw na trabaho. Pero hindi pa yata nagigising ang tandang na karaniwang naririnig niya sa probinsya ng Tata Dionisio niya ay binulabog na siya nitong si Mia. "Alam kong naisturbo kita Je', at day off mo rin ngayon. Pero kailangan mo akong tulungan."muli siyang humikab. Kinusot ang mga mata.Antok na antok pa rin siya dahil gabi na silang nakatapos sa pagliligpit kagabi dahil sa bisita ng pangalawang anak na babae nang amo nila. "Tulungan saan ate?" wala sa loob niyang sagot dito. Hinawakan siya ni Mia sa kamay at hinila palabas ng kanilang quarter. Dalawang quarters kase ang meron silang mga katulong at sa kanilang apat na mga kasamahan niya sila ni Mia ang magkasama sa quarters nila na naroon lang malapit sa kusina. "Kay Sir, Elijah," biglang lumipad ang antok niya sa narinig na pangalang binanggit ni Mia. Tuluyan siyang nagdilat ng mga mata. "B-bakit ate, anong nangyari kay Sir Elijah? "nalunok niya ang laway na kanina pa niya tinatabi sa gilid ng kanyang dila. "Walang malay sa labas ng gate. Hindi ko kayang dalhin siya taas sa kwarto niya. Kaya ginising kita. Alam mo naman na ayoko rin gisingin si Manang Lourdes at Deding dahil, pagod ang mga yon kagabi at may mga edad na. Ikaw ang bata sa ating apat kaya ikaw ginising ko." may kahabaang litaniya nito. Tuluyang nawala ang antok niya ng sundan niya si Mia, sa kusina sila dumaan ,mas malapit sa gate kung saan naroon daw ang batang amo nilang lasenggero. Alam niyang wala pang alas kwatro ng mga sandaling iyon dahil masyado pang madilim at mahamog sa labas. Nang makarating sila sa gate ay binuksan ni Mia ang maliit na pinto ng gate. Hindi niya maaninag ang taong nakaupo at nakayuko sa kahoy na upuang nasa gilid. Pero nasisiguro niyang sa pigura at laki ng pangangatawan nito ay yon ang kanilang amo. "Ayan, tulog na tulog,dahil sa sobrang kalasingan.Mabuti at mabait ang taxi driver at hinatid siya ng ligtas pauwi, bago umalis ay nag doorbell pa para pagbuksan si Sir. "napailing siya sa nalaman. Parang siya ang napapagod tumingin sa binata, kung hindi galit at mainitin ang ulo ay palaging lasing naman kung umuwi. Mas matanda sa kanya ng limang taon si Elijah,bunso sa tatlong anak ng pamilya Benedicto. Sa pagka alam niya ay tapos na ito sa kolehiyo at nagtatrabaho na rin sa kompanya ng kanilang pamilya.Pero hindi niya maintindihan kung bakit parang sinisira ng amo ang sarili nito sa napakabata nitong edad. "Halika ate, tulungan nating makapasok siya sa loob."naroon sa boses niya ang simpatiya para dito. Hindi lang iyon ang unang beses na nangyaring gisingin siya ni Mia sa kalagitnaan ng tulog niya dahil sa kanilang amo. Mayroong beses na hating gabi'y sinusuong nila ang maulang labas para lang alalayan itong makapasok sa loob ang bahay.Hanggang sa pag-akyat sa kwarto at pag ayos ng tulugan nito. Kulang na lang ay maging yaya silang matawag ni Mia,sa t'wing ito'y nalalasing. Nang makalapit kay Elijah, ay nagsimula na silang kumilos ni Mia. Kinuha niya ang nakalaylay nitong kamay at pinatong niya iyon sa kanyang manipis na balikat. Para na siyang tungkod kung titingnan dahil naglalaro sa six feet ang height ng binata. Pero baliwala yon sa kanya dahil alam naman niyang nakaalalay din sa kabila niya si Mia,na matangkad naman sa kanya ng apat na pulgada. "Isa, dalawa.. angat. " si Mia, iyon ng nagbilang pa para mahila nila patayo ang binata. Napadaing siya bigat nito ng tuluyan na nila itong mapatayo, mula sa pagkakaupo.Mabagal at maingat nila itong naalalayang makapasok sa loob ng kabahayan.Sila lang apat na kasambahay lang ang nasa bahay at ang babaeng kapatid ni Elijah.Ang Mommy at Daddy kase nito at panganay ay parehong nag out of town. Para sa mahalagang business tour. Makaraan ang halos kense minuto ay tagumpay nilang nailatag sa kama niya si Elijah, wala pa rin itong malay ng maihiga nila. Tagatak ang pawis,hinihingal at pagod niyang pinagmasdan ang tila maamong Leon, na amo. Kung hindi lang ito masungit at suplado sa kanya at sa iba lang kasama nila sa bahay. Crush sana niya ito. Well, normal lang naman siguro ang magka crush sa edad niyang dese sais. Yon nga lang hindi naman matanggap ng sistema niya na ang unang pinag-ukulan ng pansin ng mura niyang puso,ay ang tila may hinanakit sa mundong Leon na ito. "Sayang, ang gwapo sana. Lasinggero at masungit nga lang."mahinang usal niya habang nakatingin pa rin dito. Nagkalat ang iilang hibla ng semi-curly hair nito sa kanyang mukha na sa paningin niya ay nakadagdag ng s*x appeal ng binata. He has a perfect jaw, a rosy lips na hugis puso na tila laging nag-aanyayang halikan.matangis ang ilong na halos hindi na makita ang butas nito. may malalim at mahabang pilikmata na kung ihambing lang sa mga mannequins ay walang sinabi dahil sa kapal nito tila ba natural na inukit ng isang magaling na manlililok. In Her eyes, this man peacefully sleeping infront of Her is a perfect creature. Walang siyang mapintas sa etsura ng binata. Kung sa katawan naman ang pagbabasehan ay pwede niya itong ihambing sa paborito niyang aktor na si Joseph Marco, sa tindig,ay lamang si Elijah, pero kung abs ang pag-uusapan ay wala silang pinagkaiba. Napakurap siya at napailing sa naiisip. Bakit parang pinapantasya na niya ito? "Sinabi mo pa,ewan ko ba sa batang yan at nag- iba ang ugali. Kase sa totoo lang Jewel, hindi talaga masungit at lasenggero si Elijah, nagtataka nga kami kung bakit biglang nalang nagbago. Hindi rin na ekwento ni Ma'am,Rowena,kung anong problema ng anak niya. "si Mia,na inayos ang kumot ng amo nila. "Malabo namang pamilya ang problema ng batang to, tingnan mo naman si Ma'am at Sir,parang mga batang teenager kung magtitigan kapag narito sa bahay." segunda pa nito.Napahinga na lamang siya ng malalim. "Baka pwedeng buhay pag-ibig. Mukha kaseng hindi ko na napapansing pumupunta dito ang jowa niyang brunette." may nobya pala ang binata kung ganun.Hindi naman malabong hindi ito magkaroon ng nobya, sa gwapo at tikas ba naman ng tayó nito. "Bumaba na kaya tayo Je',ang sakit ng ulo ko sa pambubulabog ng batang to, inom tayo ng kape. "tahimik siyang nakasunod kay Mia, palabas ng kwarto ni Elijah,pero bago pa man siya tuluyang lumabas ay muli niya itong sinulyapan. "Sana kung ano man ang problema mo? maayos mo na."tila tinangay lang ng hangin sa sobra hina ng pagkasabi niya. Nang makababa sila si Mia, ay binalak niyang muling bumalik sa pagtulog. Pero kahit anong gawin niyang pikit ng mga mata ay hindi niya magawang makaidlip ulit. Bumangon siya at naghanap ng sweatshirt sa kanyang damitan. Meron siyang dalawang sweatshirt isang kulay blue at puti. Pinili niyang ilabas ang puti at sinuot,pinarisan niya iyon ng running short na kulay itim na hakab na hakab sa malaking balakang niya.Sa edad na sixteen ay hubog na ang katawan niya. Sunod niyang kinuha ang nag-iisang joyride nike sneakers na kulay pink, regalo pa sa kanya iyon ng kanyang ina. Napahinto siya sa pagsesentas ng kanyang sapatos ng muling maalala ang pamilya. She really misses Her parents pati na rin ang kanyang mga kapatid. But She left no choice kundi ang patunayan sa pamilya niya lalo na sa kanyang Papa na mali ito ng gusto para sa kanya. and She promise Herself na hindi siya uuwi hangga't hindi napatunayan dito ang mga binitawan niyang salita. Hindi siya uuwi hangga't hindi niya mahanap ang sariling kaligayahan. "Soon, I'll be home. " "Oh, akala ko ba natulog ka ulit?"naabutan niya si Mia, na nag kakapeng mag-isa sa lamesa. Kumuha siya ng tubig at uminom para may panlaban siya mamaya sa takbo paikot sa loob ng village. Nagbaon na rin siya ng tubig sa kanyang water bottle para may mainom siya sakaling uhawin siya mamaya sa kalagitnaan ng takbo. "Hindi na ako makatulog ate, kaya naisip ko na mag-jogging nalang."aniya. "Ganun ba,sige maganda 'yan, total madalas mo namang ginagawa yan kapag hindi tayo busy sa umaga. Ma-iingat ka ha, sa susunod na araw kapag bakante ako, sama na ako sayo ah." "Sure ate! "nakangiti niyang sagot at lumabas na ng kusina. Bago tumakbo ay nag streching muna siya sa labas ng gate. limang minuto din siyang nag-streching bago sinimulan ang pagtakbo.A tempo run is best for Her to start a day. She run as llong as She can. Saglit siyang nagpapahinga at muling tatakbo ulit. Mag-iisang oras na rin siyang tumatakbo at halos naikot na rin niya ang buong village ng naisipan niyang tumbukin ang street kung saan papuntang park. Alas sais na ng umaga kaya naisipan niyang dumaan sa park para bumili ng cookies sa village pantry. Every morning kase ay merong delivery ng mga freshly bake breads and cake sa pantry at isa sa paborito niyang balikan ay ang chocolate almonds chips na pamilyar sa panlasa niya. Hindi rin siya nagpapawala ng pera sa secret pocket ng sweatshirt niya para may madukot siya kapag may mga gusto siyang bilhin.Hindi nga siya nagkamali dahil tamang pagdating niya ay binababa naman sa malaking na truck ang mga deliveries. Hindi muna siya lumapit sa pantry para hindi siya makita ng mga taong nagdeliver.Hintayin nalang niyang makaalis ang truck saka siya lalabas sa pinagkukublihang malaking puno ng mangga. Ang matanaw sa di kalayuan ang nais matanaw ay ayos na sa kaniya. She wiped Her tears ng makita ang lalakeng nakikipag-usap sa may ari ng pantry. Inabot nito sa may ari ang isang listahan ng mga dene-liver na orders nito.Ilang saglit pa siyang naghintay, hanggang sa muli ng sumakay ang lalake sa front seat ng truck .Sunod na sumakay ang tatlong tauhang nagbaba ng mga deliveries nito kanina.May lungkot sa mga ngiti niyang sunusundan ang pag alis ng truck. "I missed you kuya Mave..."mahinang sambit niya. Inayos niya ang sarili bago nagpasyang lumabas sa pinagkukublihan.Napansin din niyang siya ang unang costumer sa umagang iyon.As usual, madalas namang siya ang nauunang bumibili sa pantry. Sa kadahilanang, gusto niyang siya ang unang makatikim sa village na yon ng mainit na cookies and breads na ka deliver lang. "Good morning po,"nakangiting bati niya sa ginang na may ari sa pantry ng makapasok siya sa loob. Homeowner din ang may edad na ginang sa village na. Yon ang kwento sa kanya ni Mia, mabait din daw ito lalo na sa mga katulad niyang katulong. "Good morning dear, Oh, I remember you. Ikaw ang palaging pumupunta dito t'wing umaga, para bumili ng mga freshly bake na cookies and breads right? "napayoko siyang tumango sa ginang. Nilapitan siya nito. "Hindi na ako manghuhula kung anong bibilhin mo, kase alam kong cookies almond chips at nutella toasted bread ang paborito mong bilhin. "may kasamang tawa na wika sa kanya ng may -ari, halatang kabisado na nga ang gusto niyang bilhin sa pantry nito. Minsan kase ng mag meryenda sila ng mga kasamahan niya ay nakita niyang kumakain si Lourdes ng bread na gawa ng kilala niya. At nang tanungin niya ito kung saan niya yon binili ay sinabi nitong sa village pantry. Kaagad siyang nagpasama kay Lourdes, sa pantry para kompermahin kung totoo nga ang sinasabi nito.Doon niya nalaman na regular palang supplier ang bakeshop na kilala niya doon.Simula no'n kung hindi siya busy sa umaga ay sumasaglit siya sa pantry, hindi lang para bumili ng cookies and breads kundi baka sakali na rin na makita ang mga taong kinasasabikan niya. "Kataleya's bake." napalunok siyang nakatingin sa malaking print ng pangalang sinusuri ng ginang harapan niya. May paghanga nitong pinaglandas ang daliri sa pangalang naka imprinta."Such a beautiful name,ang sasarap ng kanilang mga cookies and breads. Tamang timpla, hindi tinipid sa pagbuhos ng tamang lasa.I really liked the bakery. I think, I'll be one of their forever resellers,I will never ever change my mind na maging supplier nila forever. I love Kataleya's bake." She said with contentment in Her face. tumataba ang kanyang puso. "I am sure, masaya po ang may ari nitong bakeshop na ito kapag nalaman po nila na gustong-gusto niyo ang kanilang mga gawa." deep in Her heart She's so eager to tell this old woman a secret.She's eager to tell Her that this one She's holding is proudly bake and built by Her parents. "Thank you,"sinamahan siya ng ginang hanggang sa labas ng maibigay na nito sa kanya ang binili niyang cookies and toasted bread. Saglit silang nagkausap at masaya siya dahil mabait pala talaga ito sa kahit na sinong makausap niya at makahalubilo. "Salamat din po,"ngiti niya rito. "Ah, what's your name again dear?"nagpakilala siya kanina pero nakalimutan din yata kaagad ng ginang. Muli siyang ngumiti rito. Parang magkakaroon na naman siya ng bagong kaibigan sa katauhan ng village pantry owner na ito. "Jewel po. "aniya. "Nice to know you Jewel, you are so young para magtrabaho sa tao. Sayang ka napaka gandang bata mo pa. If you want help. Puntahan mo lang ako sa bahay o di kaya dito sa pantry.I am willing to help to you basta kaya ko." saglit lang silang nagkausap pero marami silang nakuhang impormasyon sa isa't isa. Na ekwento niya rin dito kung paano siya nakapasok sa pamilya Benedicto. at kung ilang taon na siya.Ang ginang naman ay binigay sa kaniya ang street at numero ng bahay nila sa village na ito.Natutuwa siyang kausap ang ginang. Pakiramdam niya matagal na silang magkakilala. "Thank you Mrs. Leviste."magalang niyang tawag dito. Naglalakad na siya pauwi nang may ngiti sa labi at may pananabik na dinukot ang isang cookie sa lalagyan nitong brown na supot. "It feels like home.. "napapikit na usal nang dalagita ng dalhin nito sa kanyang ilong at amuyin ang mainit pang cookies.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD