Makulay at punong-puno ng saya ang simbahan habang naghihintay ang mga tao para sa kasalang magaganap kela Catherine at Samuel. "Relax, Son." Napatingin si Samuel sa Dad nya ng tapikin nito ang balikat nya. Gabi palang ay hindi na sya mapakali kaya hindi sya nakatulog ng maayos. Sobra ang pananabik nya para sa araw ng kasal nila ni Catherine kaya ngayon na nga ang pinakahihintay nya ay kinakabahan naman sya. "Dad, kinakabahan ako. Parang hindi ako makahinga at baka hindi rin ako makapagsalita mamaya." Natawa si Dimitri at napailing, "Tila kasama na sa nararamdaman ng lalake yan kapag ikinakasal. Nang kami ng Mommy mo ang ikakasal noon ay ganyan na ganyan din ang nararamdaman ko. Pero lahat ng iyon ay nawalan ng sumipot ang mommy mo sa kasal namin. Nakakatakot na hindi ako siputin ng M

