Gigil na gigil si Catherine sa kapipindot ng button ng play station dahil palagi syang natatalo sa laro. Napasimangot sya at tumingin sa binata na tuwang-tuwa na natalo na naman sya nito.
"Paano ba 'yan?" tumaas-baba ang isang kilay nito at ngumisi kaya napatayo sya.
"Ayoko na! Madaya ka naman!"
Nagmartsa sya patungo sa kusina at kumuha ng inumin sa ref. Nagsalin sya sa baso at uminom ngunit bigla ay napaabante sya ng bigla syang yakapin ng binata.
"Mas madaya ka, Candy ko. Akin na ang prize ko." bulong nito at humalik sa leeg nya kaya nakikiliti sya. Alam na alam nito kung saan ang kiliti nya.
"Oo na."
Inalis nya ang kamay nito sa bewang nya at hawak nya ang kamay nito na hinila upang magpunta sila sa kwarto nya. Kinuha nya ang phone nya na nasa kabilang side table, at tumingin sya sa binata na nakaupo sa kama at hinila sya paupo sa kandungan nito ng mapansin na hawak na nya ang phone nya.
"Bilis!" pagmamadali nito kaya umirap sya.
"Atat lang?"
Binuksan nya ang phone at inalis ang password, at binigay nya sa binata ang phone nya na agad naman nitong kinuha. Yumakap ang isang braso nya sa likod ng balikat nito at umayos sya ng upo sa isang hita nito habang nakatingin sa ginagawa nito sa phone nya.
"Sayang talaga." ngumuso sya ng burahin nito ang f*******: nya. Tumingin ito sa kanya at pinisil ang bewang nya kung saan nakapulupot ang isang braso nito.
"Sayang? Tsss. Gagawa ako ng ibang sss account, yung tayong dalawa ang may-ari ng account."
Pinisil nya ang pisngi nito at tinignan ang paggawa nito ng f*******: nila. Nalaman kasi nito na nandoon lahat ng picture nila ni Bosch at sikat sila sa f*******: friends dahil sikat naman si Bosch bilang businessman. Wala naman syang magawa dahil deal nila iyon.
"Samsam, nung hinatid mo si Felicia; bakit nasa kanya ang phone mo?"
Natigilan ito at tumingin sa kanya. Ngumiti ito at ninakawan sya ng halik kaya nilayo nya ang mukha nito na kinahalakhak nito.
"Nahulog ko pala sa sofa nila. Inaya kasi ako ng Dad nya na mag-coffee saglit kaya natagalan din ako."
Napatango sya at atleast kahit talo sya ay nalaman parin nya ang totoong nangyari. Nais pa sana nyang magtanong tungkol naman sa open ground kung bakit nito buhat-buhat si Felicia, pero nag-alangan na sya dahil baka isipan sya na nagseselos.
"Ayan! Samdy Ford." bulalas nito ng matapos ito sa paggawa ng sss account nila.
Nakita nya na nagawa na nga nito iyon kaya napangiti sya at napailing dahil napakaseloso nito kaya pati f*******: ay pinagtripan.
"Sure kang walang makakakita nya'n?" naniniguro nyang tanong.
"Oo naman, pribado sya. Kaya tayo lang dalawa ang nakakaalam....Okay, let's take a picture for the profile."
Umayos sya ng upo at pinagdikit nila ang mukha nila habang nakangiti na nakatingin sa camera. Nang makuhaan ay pareho silang napangiti dahil maganda ang kuha.
Nilapag nito ang phone nya sa kama ng matapos ito sa pagkakalikot sa phone nya, at sya na ang pinagtuunan ng pansin ng binata.
"Hay! Kapagod!" napatili sya ng isama sya nito sa paghiga nito. Hinampas nya ang dibdib at tinignan nya ito ng masama. Napahalakhak ito habang nakaunan ang ulo nito sa mga braso nito.
"Kainis ka!"
Dumapa sya sa katawan nito at pinaglaruan nya ang neckline ng t-shirt na suot nito.
"Candy, kaunting panahon lang at pauwi na ang parents mo.."
Tumingin sya rito at nakatingin ito sa kanya, yung tingin na hindi natatakot at may paninindigan, at tila may ibang pinapahiwatig.
Halos dalawang linggo na ang nakalipas; sa loob no'n at sa loob ng bahay nila ay malaya silang gawin ang bagay na labag sa loob ng lahat. Para silang mag-asawa magturingan at inaamin nya na masaya talaga sya kapag kasama nya ang binata.
"Anong ibig mong sabihin?" tumingin sya sa mga mata nito habang tinatanong iyon. Mga mata na nakakaakit titigan kaya umiwas sya.
"Sabihin na natin sa kanila ang namamagitan sa atin."
Gulat na tumingin sya muli rito at hindi sya makapaniwala sa nais nito.
"Ano? Nababaliw ka na ba? Hindi pwedeng malaman nila dahil magagalit sila sa atin!"
Bumangon sya dahil nahihirapan syang magsalita at nahihirapan syang ilabas ang emosyon kapag nakadapa, pero pinigil sya nito sa pagbangon sa pamamagitan ng paghawak nito sa bewang nya, pero hinawi nya ang kamay nito at bumangon sya na naupo sa kama paalis sa hita nito.
"Samuel, wag na wag mong gagawin iyon! Kundi magagalit ako sa'yo!"
Bumangon ito at hinawakan sya sa magkabilang balikat ng mariin. Nanginginig ito sa galit.
"Anong gusto mo, ha? Itago nalang? Wow!"
Galit itong tumayo at sinipa ang kama habang hindi mapakali sa paglalakad sa harap nya.
"K-Kailangan..." napayuko sya at napapikit.
"Bullshit!"
Napadilat sya agad at napatingin rito na galit na lumabas. Malakas pa nitong sinira ang pinto na halos para ng masisira. Napapisil sya ng daliri at napaiyak dahil napagalit na naman nya ito.
Pero hindi pwede ang nais nito. Natatakot sya sa sasabihin ng iba tungkol sa kanila. At pag nagkataon ay sila lamang ang makakasira sa apelyido na nirerespeto ng ibang tao dahil sa magandang pagkatao ng parents nila. Natatakot sya sa magiging reaksyon ng pamilya nila. Ayaw nyang magalit ang parents nya, kaya hindi pwedeng malaman ng mga ito na higit pa sa magpinsan na turingan nila ni Samuel.
"Samuel! Please listen to me!"
Hinahabol nya ito dahil pagkababa nito sa kotse ay agad itong naglakad ng mabilis at iniwanan sya. Mula ng magkagalit sila dahil sa gusto nitong mangyari ay halos hindi sya nito kausapin at pansinin. Palaging ganito ang eksena nila kaya maging ang ilang estudyante ay nagtataka sa nangyayari sa kanila. At ang lintek na binata ay pinagbantaan sya na papansinin lang daw sya oras na bumalik na ang parents nya.
"Hindi ako papayag na itatago nalang natin ito! Oras na bumalik ang parents mo ay sasabihin ko na sa kanila lahat. Hindi mo ako mapapigilan, hindi! Dahil matagal na akong nagtitiis!"
Iyon ang naging huling banta nito sa kanya at mula no'n ay hindi na sya pinansin ng binata.
"Anong problema, Catherine?" tanong ni Pinky.
Hindi nya ito sinagot at nakadukdok parin sya sa table. Kanina pa dakdak ng dakdak si Pinky habang sya ay walang kagana-gana dahil sa kakaisip sa mangyayari oras na hindi nya mapigilan si Samuel.
Naalala nya yung huling nangyari ng hanapin sya ng kaibigan, habang sila ng binata ay nasa fire exit. Mabuti nalang na wala na ang kaibigan ng makalabas sila ng fire exit, kundi manghihinala ito kung anong ginagawa nila sa tagong fire exit.
Napatingin sya sa cellphone nyang nag-beep na nakapatong sa table nya. Umayos sya ng upo ng makita sa screen ang pangalan ni Samuel. Tumingin sya kay Pinky na busy sa paglagay ng burloloy sa mukha nito kaya pasimple nyang tinignan ang message ni Samuel.
Samuel:
Hurry! In the parking lot!
Dahil sa nabasa ay agad nyang sinilid sa bag ang cellphone maging ang mga nakalapag na gamit nya sa table. Nang maayos na ay tumayo sya at sinukbit sa magkabilang balikat ang strap ng bag.
"Saan ka pupunta, Catherine?" pigil na tanong sa kanya ni Pinky habang nakahawak ito sa braso nya.
"Emergency lang, hindi muna ako papasok sa last class. Sige, bye." bumeso sya rito at mabilis na lumabas ng room. Nagmadali sya sa paglalakad dahil baka mainip ang binata. Sa wakas ay pinansin na sya nito kaya hindi na nya pinalagpas.
Pagdating sa parking lot ay nakita nya ang fortuner na maroon na umilaw ang lights nito hudyat na naroon ang binata at pinapapunta sya. Agad syang naglakad palapit doon at binuksan ang pinto.
"Anong meron?" tanong nya ng makapasok sya at makaayos ng upo sa front seat.
"Fasten your seatbelt." utos nito bago apakan ang gas kaya umusad na ang kotse nito paalis sa parking lot.
"Saan tayo pupunta?"
Tumingin sya rito ng maikabit ang seatbelt sa katawan nya. Seryoso ito habang nagmamaneho.
"Your parents are home."
Bigla ay dinumbol sya kaba dahil alam na nya kung bakit sya nito inaya.. Balak nito na sabihin ngayon sa parents nya ang sa kanila.
"S-Samuel, please don't do this to me." humawak sya sa braso nito pero hinawi lang nito ang pagkakahawak nya at imbes ay hinawakan nito ang kamay nya.
"My decision is final, Catherine. Kahit tumutol ka man ngayon ay balang araw ay malalaman rin nila lalo't may nangyayari na sa atin. Kaya habang maaga pa ay sabihin na natin, dahil hindi na ako makakapaghintay pa kung patatagalin pa."
Pilit nyang kinukuha ang kamay nya mula rito pero pinagsiklop nito ang daliri nila kaya hindi nya maalis ang pagkakahawak nito sa kanya. Hinalikan nito ang likod ng palad nya habang nakatingin parin ito sa road.
Napayuko sya at kinakabahan dahil natatakot sya ngayon. Napapikit sya at marami na agad ang umiikot sa isip nya na maaaring mangyari oras na umamin sila. Naiisip nya ang mga reaksyon ng pamilya nila at doon palang ay nanginginig na sya sa takot.
Napadilat sya ng bitawan ng binata ang kamay nya at bumaba ito ng sasakyan kaya napatingin sya sa paligid. Hindi man lang nya namalayan na narito na pala sila sa harap ng bahay nila. At uunahan sya ng binata na magsabi kaya sa taranta nya ay hindi nya agad matanggal ang seat belt. Huminga sya ng malalim at nagpokus sa pagtanggal ng seat belt. Nang maalis nya ay dali-dali syang umalis sa kotse at nakita nya ang binata na malapit na sa pinto ng bahay nila.
"Samuel, ano ba!" naiiyak na sya dahil sa kaba. Agad nyang naabutan ang binata at hinawakan ito sa braso para pigilin pero imbes na mahatak nya ay hindi nya magawa. Hinawakan nito ang kamay nya kasabay ng pagbukas nito ng pinto sa bahay nila.
"Oh, mabuti at narito na kayo."
Agad nyang inalis ang pagkakahawak sa kanya ng binata at inunahan nya ito sa pagpasok. Nakita nya ang magulang nya na nakaupo sa sofa kaya lumapit sya sa mga ito at bumeso.
"Hi, Tito, Tita." bati ni Samuel kaya naupo sya sa tabi ng mommy nya at tumingin sya sa binata na naupo sa harap nila at tumingin rin ito sa kanya. Umiling sya rito at binigyan ng tingin na may pagmamakaawa.
"Tita, Tito, may sasabihin po ako."
Napalamukos ang kamay nya sa skirt nya habang nakatingin sya rito ng puno ng kaba.
"Kami rin ay may sasabihin. Mauna muna ako, Hijo." sabi ng Mommy nya kaya napatingin sya rito. Para syang nakahinga ng maluwag ng unahan nito ang sasabihin ng binata.
"Ano pong sasabihin nyo? Tsaka bakit hindi po kayo tumawag kung pauwi na po pala kayo?" tanong nya.
"Si Samuel na ang sinabihan namin para sabihin na rin nya sa'yo." ngumiti ang mommy nya at hinaplos ang buhok nya, "At nais ko sana na sabihin sa'yo ang dahilan kaya kami biglaang napasugod sa maynila."
Napakunoo't noo sya, "Ano nga po pala ang dahilan kaya nagpunta kayo doon?"
Tumingin sa Dad nya ang Mom nya bago muli ibaling sa kanya ang tingin. Naguguluhan sya sa pagngiti ng mga ito tila ba may kakaiba sa mga ito.
"Mula ng marinig ko mula sa Daddy mo ang dinanas ng batang pinuntahan namin doon sa maynila ay nakaramdaman na agad ako ng awa sa kanya. Kaya naman napagdesisyunan namin ng Dad mo na ampunin si Nesya, lalo't wala ng mag-aalaga sa kanya."
"H-Ho?" gulat na gulat si Catherine sa sinabi ng kanyang Mommy. Hindi nya alam kung tama ba ang narinig nya dahil tila sya nabibingi.
"Narito ngayon ang magiging kapatid nyo ni Zach. Nesya, Come here!"
Tumingin sya sa tinitignan ng Mom nya at nakita nya ang isang babae na may maikling buhok, matangkad lang sya ng kaunti rito, maputi at maganda din ito, at higit na nakapukaw ng paningin nya ay ang suot-suot nitong Dress at Flats nya. Ang dress na pinakatago-tago nya at madalang na isuot dahil ayaw nyang masira. Pinapahalagahan nya ang mga bagay na iyon dahil regalo pa iyon ng iniidolo nyang Tita. Tapos makikita lang nya na walang ingat na sinusuot ng iba!
Para syang hindi makahinga habang nakatingin sa babae na nakangiti na lumapit na sa kanila.
"Hi, Ako si Nesya... Ikaw pala yung panganay na anak ni Mommy."
Napamaang pa sya sa tinawag nito sa Mommy nya. Para syang matutuyuan ng labi at lalamunan sa nangyayari.
"Hi." tumingin ito sa gawi ni Samuel at kita nya ang paghanga nito sa binata na mas lalo nyang kinainis.
"Excuse me." agad syang tumayo at tumakbo palabas ng bahay kahit rinig nya ang pagtawag ng kanyang magulang. Wala syang tigil sa pagtakbo habang bumubuhos na ang luha nya na kanina pa nya pinipigilan. Sobra syang nasasaktan dahil pakiramdam nya ay hindi sya sapat para sa magulang nya para mag-ampon pa ang mga ito. Kaya pala iba ang pakiramdam nya sa pagbubukas ng usapan patungkol sa minamaltratong dalaga na si Nesya, yun pala ay aampunin ito ng magulang nya.
Nang makarating sa dalampasigan ay napaupo sya sa buhangin at humagulgol na napatingin sa malawak na dagat at maaliwalas na kalangitan. Napakaganda ng nakikita nya sa paligid, pero kabaligtaran no'n ang nararamdaman nya na tila sya pinagbagsakan ng langit at lupa.
Nawala ang view na kanyang pinagmamasdan ng may humarang doon. Naupo sa harap nya si Samuel na hindi nya alam na sinundan pala sya.
"Why are you crying, Candy ko?" pinunasan nito ang luha nya habang nakatitig ito sa kanya na may pag-alala.
"Bakit nag-ampon sila Mommy? Hindi pa ba ako sapat? T-Tsaka bakit pinasuot nila ang Dress at Flats ko kay Nesya? Akin 'yon, eh! Bigay ng mommy mo sa akin iyon nung birthday ko!" humihikbi sya dahil sumasama lang ang loob nya tuwing maaalala na sinuot ng iba ang gamit nya.
"Sinabi naman nila ang dahilan kaya nila inampon yung babaeng iyon. Tsaka Dress lang 'yon, kung gusto mo ay ipagawa kita ulit kay mommy ng ganung dress at flats."
Binayo nya ang dibdib nito at tinignan nya ito ng masama. Parang mas kinakampihan pa nito ang Nesya'ng iyon!
"Ayoko! Akin 'yon!"
"Tahan na.." tumayo ang binata at naupo ito sa tabi nya. Inakbayan sya nito kaya napayakap sya sa bewang nito habang umiiyak.
Napahinga ng malalim si Samuel habang nakatingin sa dalaga na panay ang iyak, kaya panay rin ang pahid nya sa luha nito. Nauunawaan nya ang nararamdaman ng dalaga. Punong-puno ito ng atensyon sa parents nito kaya alam nyang nabibigla ito sa biglang pag-aampon ng Tito't tita nya. Pakiramdam nito ay maaagawan ito. Pakiramdam nito ay kapalit-palit ito.
Binuhat nya ang dalaga ng makatulog ito sa bisig nya. Inuwe nya ito sa bahay nito at naabutan nya ang pagtayo ng parents nito ng makita sila. Kita nya ang pag-aalala ng mga ito ng mapatingin sa dalaga.
"Galit ba sya sa amin, Hijo?"
Umiling sya at ngumiti sa mga ito. Tumingin sya sa dalaga bago tumingin sa ampon ng mga ito. Sinuyod nya ng tingin ang dress at flats na suot nito bago sya tumingin muli sa tita at tito nya.
"Sana ho ay hindi nyo nalang pinasuot sa kanya ang importanteng bagay kay Catherine. Iniyakan nyo po iyan."
"Naku, hindi ko alam. Nakakahon kasi at nakatambak lang sa closet nya kaya akala ko ay hindi na nya sinusuot at ginagamit kaya pinasuot ko kay Nesya."
Tumango sya at nauunawaan nya, "Sige po, dalhin ko lang si Catherine sa room nya."
"Sige.."
Tinignan nya pa muna ulit ang dress at flats bago sya tumungo sa taas at kwarto ng dalaga. Hindi sya nagsisisi na sabihin iyon sa magulang ng dalaga. Ayaw nyang umiiyak ang dalaga kaya kahit Tito at Tita nya ang mga ito ay hindi sya matatahimik hangga't hindi naipagtatanggol ang dalaga.
Maingat na hiniga nya ito at kinumutan. Naupo sya sa gilid nito at hinawi nya ang tikas ng buhok nito na tumatakip sa ilang parte ng magandang mukha ng dalaga. Nalukot ang mukha nito at humihikbi tila napapanaginipan pa nito ang nangyari.
"Tahan na.."
Tila naging magic words ang sinabi nya dahil tumigil ito sa paghikbi at nawala ang pagkalukot ng mukha nito. Napangiti sya at hinalikan ito sa noo, dahil kahit ano talaga ang gawin ng dalaga ay mas lalo lang syang napapamahal rito.
Tumayo na sya at nilapitan ang bag na naglalaman ng damit nya na ginamit habang lumalagi sa piling ng dalaga habang nasosolo nya pa ito, at malaya silang gawin ang mali sa paningin ng iba. Hindi man nya ngayon masasabi sa magulang nito ang relasyon nila ng dalaga ay sisiguraduhin nyang hindi din magtatagal iyon..
Lumapit sya sa side table at binaba muna saglit ang bag sa sahig bago kunin ang makulay na papel ng dalaga at maging ang ballpen nito. Nag-iwan sya ng liham at nilapag nya sa side table bago muling tumingin sa dalaga.
Pagkalabas nya ng kwarto ay napahinto sya sa paglalakad sa pasilyo ng makita nya ang inampong si Nesya na lumapit sa kanya at humarang sa daan nya kaya napahinto sya at tinignan ito dahil tila may nais itong sabihin.
"Pasensya na at hindi ko alam na magagalit sya sa pagsuot ko ng dress nya. Hindi ko kasi alam."
"Okay." bagok nyang tugon at maglalakad na sana sya ngunit humarang muli ito.
"Ako si Nesya. Nesya Ford na. Ikaw si Samuel, 'di ba?"
"Yeah... Sorry Miss, but I need to go."
Hindi na nya hinintay ang sasabihin nito at nilagpasan na nya. Pagbaba nya ay nagpaalam sya sa Tito at Tita nya at nagpasalamat naman ang mga ito sa kanya tungkol sa pagsama nya sa dalaga sa mahigit tatlong linggo. Kung alam lang ng mga ito ang ginagawa nya sa dalaga ay tiyak nyang hindi sya pasasalamatan ng mga ito.
Mabilis sya umuwe sa kanila at sa kwarto nya agad syang dumeretso.. Lumapit sya sa work table nya at humarap sa sketch pad. Agad na hinawakan nya ang sketch pad at lapis. At agad rin nyang sinimulan na gumuhit ng dress na mas maganda pa sa dress na iniiyakan ng dalaga. Maganda ang design ng kanyang mommy pero nais nyang mahigitan iyon. Pagkatapos nyang iguhit ang katawan at dress ng dalaga ay ang mukha naman nito ang kanyang ginuhit. Sanay na sanay at walang kahirap-hirap nyang naguhit ang mukha nito dahil nakataktak na sa kanyang isipan ang bawat detalye ng mukha ng dalaga.
Nang matapos nya ay napangiti sya dahil bagay sa dalaga ang nagawa nya. Isang yellow dress na favorite nitong kulay. Tiyak nyang matutuwa na ang dalaga. Hinalikan nya pa muna ang ginuhit na mukha nito bago sya lumabas ng kwarto nya.
"Mommy.."
Tinungo nya ang art room kung saan alam nyang nalalagi ang ina kapag ganitong oras. Natigil ito sa ginagawang pinta kung saan ay buong pamilyang ford ang ginuguhit nito. Napangiti sya dahil magkatabi sila ni Catherine sa paintings.
"Oh! Nakauwi ka na pala." nagpatuloy ito sa ginagawa at huminto sya sa tabi nito bago bumeso sa pisngi nito.
"Mom, pwede nyo po ba akong ipagtahi ng ganitong dress?" tanong nya kaya napahinto ito at tinignan ang sketch nya na kanyang inilapit para makita nito.
Tumingin ito sa kanya at may ngiting kakaiba, "Manang-mana ka talaga sa akin." ani nito at muling hinarap ang ginagawa nito.
"Mom!" suway nya na kinatawa nito, dahil nang-aasar ito. Ngayon lang kasi nito nakita na gumuhit sya ng dress, kaya iba ang iniisip nito sa kanya, "Magagawa nyo po ba?" tanong nya muli at napahinga sya ng malalim.
"Bakit mo naman pinapagawa ng dress si Catherine? May okasyon ba? Tapos na ang birfthday no'n, ah?"
"Basta po..."
Hindi nya masabi ang dahilan dahil ayaw nyang manghinala ito. Naglakad sya palabas ng room ng hindi ito sinasagot sa kanyang dahilan, at narinig pa nya ang pagsigaw nito.
"Talaga namang batang ito, Oh!"
Napangiti sya at gumaang na ang pakiramdam nya dahil kahit papaano ay may magagawa sya upang mapagaang ang loob ng dalaga.