------- ***Zariyah’s POV*** - Naipikit ko ang aking mga mata nang unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hinintay ko ang sandali na maglapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Ramdam ko ang malakas at mabilis na t*bok ng puso ko, wari bang sasabog ito sa kaba at pananabik. Ngunit bigla, imbes na mangyari ang inaasahan kong halik, iba ang naganap—isang bagay na naging dahilan upang mapadilat ako at mabigla. “Bago ko gawin sa iyo ‘yon, dapat sigurado ako kung malinis ka nga ba,” bulong niya sa akin. Mabilis akong napamulat, at sobrang nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Agad din siyang kumilos, umalis mula sa pagkakapasada sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na iyon. Aminado ako—napahiya ako sa nangyari. Lagi akong umiiwas sa kanya na m

