Broken!

1421 Words

------ ***Zariyah’s POV*** - Wala na namang si Aiden. Muli na naman siyang bumalik sa San Martin. Hindi ko alam kung ano ang madalas niyang binabalikan doon, at hindi ko na rin ito inusisa. Alam ko namang wala akong karapatan upang manghimasok, at baka ikagalit pa niya kung mangingialam ako. Dalawang araw na siyang hindi umuuwi at unti-unti na akong nababagot sa katahimikan at kawalan ng presensya niya. Matapos kong kainin ang aking hapunan, napagpasyahan kong umakyat na sa aking silid. Umaasa ako na makakatulog ako nang maaga ngayong gabi. May pasok na naman bukas, at ito pa man din ang unang araw ng aming midterm exams. Buong weekend wala akong ginawa kundi mag-aral nang mag-aral. Dahil ako lamang ang naririto sa bahay, mas naging madali para sa akin ang magpokus nang walang istorbo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD