-------- ***Zariyah’s POV*** - Wala akong nagawa kundi tumitig kay Aiden habang naghahanda siya ng hapag-kainan. Ang hot niya tingnan sa ayos at galaw niya. Para siyang isang perpektong lalaking hinugot mula sa isang romance novel. At dahil ganito siya sa paningin ko, hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. “Matutunaw na ako sa ginagawa mo, Zariyah,” aniya. Kaswal ang tinig niya pero halatang nanunukso. Mabilis kong binawi ang tingin ko bago pa siya tuluyang makalingon sa akin at mapatunayan niyang tama ang sinabi niya. Lumingon nga siya, pero agad naman akong napayuko. Hindi na rin ako nagkomento sa sinabi niya. Kikiligin sana ako nang sobra sa panunukso niya kung may mutual understanding kami, pero sa ngayon, hindi ko muna hahayaang paasahin ang sarili ko ng sobra—lalo na’t nagsi

