---------- ***Zariyah’s POV*** - Maaga pa lang, gising na si Aldrine. Nakaupo siya sa sahig ng sala, abala sa pag-aayos ng mga laruan niyang kotse sa isang mahabang linya. Tahimik akong nakatingin sa kanya mula sa sofa, hawak ang isang tasa ng kape na hindi ko man lang nagalaw hanggang sa tuluyan na itong lumamig. Mula pa kagabi, iniisip ko na kung paano ko sisimulan ang pag-uusap na ito—kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat nang hindi siya maguguluhan. At ngayon, wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan ko na talagang gawin ito. Ngayong araw na ito, nakatakda ko siyang ipakilala kay Aiden. Iyon ang sinabi ko kay Aiden kagabi, dala na rin ng bigat ng dibdib ko. Ipinangako ko sa kanya na ipakilala ko na siya kay Aldrine bilang ama nito. At mamaya lang, pupuntahan namin siya ni

