Walang pag- iingat na pag- angkin!

1835 Words

-------- ***Zariyah’s POV*** - “Sasama na ako sa’yo,” napilitan kong sambit kay Aiden habang pinipilit kong pakalmahin ang nangangamba kong sarili. Alam kong wala ni isa sa kanila ang gustong magsimula ng gulo para lamang sa akin. Pareho silang may pangalan at reputasyon na mahigpit nilang pinoprotektahan. Ngunit ang ikinabahala ko ay ang posibilidad na may makapansin sa amin at gawing tsismis na naman ito sa loob ng campus. Ang mga matang matalim na nagbabanggaan sa pagitan nina Carlo at Aiden ay parang mga palasong walang gustong umurong. Wala ni isa sa kanila ang nais bumawi ng tingin o magpatalo. Pero pagkatapos kong magsalita, binawi ni Carlo ang kanyang titig mula kay Aiden at ibinaling iyon sa akin. Kita ko ang pagkakunot ng kanyang noo at ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD