------- ***Zariyah's POV*** - Hindi ko na kailanman sinubukan pang umalis sa poder ni Aiden. Alam ko naman sa sarili ko na wala rin akong magagawa. Lagi niyang natutunton ang bawat galaw ko, at kahit anong pilit kong umiwas, hindi ko kailanman magawang makatakas sa kanya. Parang anino siya— palaging nakabantay sa mga galaw ko. Sa kabila ng lahat, nagpatuloy pa rin naman ako sa buhay ko. Nagpursige akong magtrabaho bilang nurse sa isang malaking ospital sa Maynila. Aminado ako, madalas akong mapagod—lalo na’t mahaba at nakakapagod ang biyahe ko araw-araw—ngunit kinakaya ko ito alang-alang sa pangarap ko. Minsan, sinusundo at hinahatid ako ni Aiden kapag may oras siya, at sa mga pagkakataong iyon, doon ko lang nararamdaman ang bahagyang ginahawa. Si Aiden naman ay nagpatuloy sa kanyang

